PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sikat na aktor hindi kinaya ang kaingayan ng veteran actor sa taping

PIK: Dinagsa ng media ang hearing ni Sen. Bong Revilla kahapon ng umaga. Nakangiti si Sen. Bong na sinabi sa kanilang buhay na buhay siya, kaya huwag na raw sanang magpapaniwala sa mga ikinakalat na fake news. Pero ang isa pang sinagot ni Sen. Bong ay ang usap-usapang malaki raw ang posibilidad na makalabas na si Sen. Jinggoy Estrada.

Masaya raw siya para sa kaibigan niya, at nagpapasalamat siyang unti-unti nang dinidinig ang kanilang dasal. “Basta tuluy-tuloy lang ang dasal. Hindi tayo pababayaan ng Diyos,” nakangiting pahayag ng dating senador.

Natutuwa rin siya dahil maganda ang kinalabasan ng hearing.

Unti-unting lumalabas na walang basehan ang mga ibinibintang sa kanya kaugnay sa pork barrel scam.

PAK: Malapit na palang mag-graduate si Joyce Ching sa Meridien International College sa kursong Film.

Nagsusulat na raw siya ng mga script na pampelikula, pero sa school pa lang daw ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bilib daw siya kay Bela Padilla na nakakagawa na ng story para sa peliku­la, at ito raw sana ang gusto niyang sundan.

Next year ay ga-graduate na siya at willing magtrabaho sa likod ng kamera kung sakaling hindi na siya active sa pag-aartista.

Posibleng gawin daw niya ang love story nila dati ni Kristoffer Martin.

Pero sa ngayon ay okay pa naman daw ang career niya at natutuwa nga siya dahil gustung-gusto niya ang role na ginagampanan sa Super Ma’am ng GMA Telebabad na magsisimula sa September 18.

BOOM: Hindi raw galit ang sikat na aktor sa kilalang veteran actor. Ayaw lang niyang makasama ito sa dressing room dahil naii­ngayan siya rito.

Nag-request ang sikat na aktor na ilipat siya ng tent kahit marami pa siyang kasama dahil hindi pala niya type ang mga maiingay.

 Matsika kasi ang veteran actor at ‘di type ng sikat na aktor na makipagtsikahan dahil gusto niyang tahimik lang at mag-aral ng script.

Kaya ang ending, pinagsama-sa­ma ng tent ang mga artistang mai­ingay, at magkakasama naman sa iba ang mga tahimik. Mas maayos at naiiwasan ang intrigahan sa loob ng ta­ping dahil sa ginawang ito.

Tapos na rin naman ang seryeng pinagsa­samahan nila at ewan ko lang kung type pa ng sikat na aktor na makatrabaho ang maingay na ve­teran actor.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: