PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Panganay nina Gelli at Ariel, nagbabalak maging piloto

Ang marriage ng mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera ay isa sa maituturing na mata­tag sa showbiz nearing 20 years. Ang mag-asawa ay may dalawang anak na parehong lalaki, sina Joaquin (18) at Julio (16) na parehong nag-aaral ngayon sa Toronto, Canada.

Choice umano ng mga bata na sa Canada sila mag-aral since last year and the two boys are staying with their paternal grandparents. Sa Ca­nada rin naka-base ang mga kapatid ni Ariel kaya panatag ang loob ng mag-asawang Gelli at Ariel.

Kung matatandaan pa, there was a time na sinabi ni Gelli na gusto na umano nilang mag-migrate sa Canada several years ago pero ito’y nagbago dahil na rin sa sunud-sunod na projects na mag-asawa.

Kapag libre ang schedule ng mag-asawa ay dinadalaw nila ang kanilang mga anak na pareho nang adjusted sa kanilang buhay doon.

Plano umano ng panganay nina Gelli at Ariel na si Joaquin na maging piloto.

Birthday ni Kuya Germs inaasahang maalala pa!

Sa darating na Oktubre 4 ay ika-84th birthday ng namayapang star builder at Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno na inaasahang ise-celebrate ng mga taong malalapit sa kanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kung magkakaisa ang mga tao at artistang natulungan ni Kuya Germs, he deserves a big celebration but who will initiate?

Si Kuya Germs lamang ang kaisa-isang celebrity na nakaisip na matulu­ngan ang mga kabataang may ta­lent at maging productive sa lipunan kaya niya binuo noong 1986 ang That’s Entertainment na tumuklas ng mahigit 200 talents. Nang mawala sa ere ang That’s Entertainment noong 1996, labis itong dinamdam ni Kuya Germs. Bumalik siya sa telebisyon in 1997 sa pamamagitan ng late-night show na Walang Tulugan with the Master Showman. Tumagal ng 20 taon ang programa na natigil lamang nang sumakabilang-buhay si Kuya Germs.  Ganunpaman, naging daan din ang programa para sa young talents tulad nina Jake Vargas, Ken Chan, Sanya Lopez, Jak Roberto, Rhen Escano, Hiro Peralta at iba na magkaroon ng sariling pangalan sa showbiz.

Sana lang maalala ng mga natulungang artista ni Kuya Germs ang kanyang kaarawan on October 4 at hindi `yung tuluyan na rin siyang ibabaon sa limot.

JC at Ryza hahabulin sina Alessandra at Empoy

Matapos kumita nang husto sa takilya ang Kita Kita movie na pinagtambalan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez at produced ng Spring Films ng magkakasosyong sina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal, at Erickson Raymundo, hindi lamang sina Alex at Empoy ang in demand ngayon kundi maging ang director ng pelikula na si Sigrid Andrea Bernardo.

Second movie pa lamang ni Direk Sigrid ang Kita Kita at nauna na rito ang Ang Huling Cha-Cha ni Antita. Immediately after Kita Kita ay agad siyang kinuha ng Viva Films para idirek sina JC Santos at Ryza Cenon sa pelikulang Mr. & Mrs. Cruz na malamang i-line produce rin ng The Idea­First Company ng mag-partner na Jun Lana at Perci Intalan na siya ring namamahala ngayon sa career ni Direk Singrid.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: