^

PSN Showbiz

Young actress mas pinili ang BF kesa sa pamilya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May pinagdadaanan palang ma­tinding problema ang isang pamosong young female personality. Hindi basta intriga lang ‘yun, mismong pamilya na niya ang sangkot sa kuwento, hindi naman siya itinakwil pero hindi sila nagkakasundo ngayon.

‘Yun siguro ang dahilan kung bakit nagiging pabigla-bigla sa pagsasalita ang young female personality, kung bakit kung anu-ano ang mga nagiging desisyon niya, kalaban pala niya ngayon ang mismong mga miyembro ng kanilang pamilya.

Nagbago na raw kasi ang pananaw sa buhay ng young female personality, malayung-malayo na sa naging pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya, kahit pala ang mismong mga kadugo niya ay nawiwindang sa mga pinaggagagawa ngayon ng young actress.

Kuwento ng isang source, “Mapambulag talaga ang love. Iba talagang gumana ang pag-ibig. Binabago nu’n ang tao, pati ang mga nakasanayan na niyang gawin, e, nabubura na sa utak niya all in the name of love.

“Sumobra ang pagmamahal niya sa isang lalaking ewan kung ganu’n ding pagmamahal ang ibinabalik sa kanya. Nakakaawa naman ang parents niya, feeling nila ngayon, e, wala na silang saysay, kasi nga, hindi na nakikinig sa kanila ang girl.

“Kung ano ang gusto ng lalaki, ‘yun na lang ang ginagawa niya. Nakatakip na ang mga mata niya, bingi na siya sa pangaral ng parents niya! Dumating na sa point ang family niya na nagsawa na sa kapapangaral sa kanya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ayon sa aming kausap ay wala nang ibang sinusunod at pinakikinggan ngayon ang batang female personality kundi ang halos sinasamba na niyang lalaki. Balewala na sa kanya ang lahat, nakatutok na lang ang buhay niya sa boyfriend niya, kaya sinawaan na ang pamilya niya.

“Pati ang sarili niya, e, pinababayaan na niya. Self-destruction na nga ang ginagawa niya, e. Sure na ba siya sa boyfriend niya? Sila na ba talaga habambuhay? Sus! E, para ngang hindi naman siya pinagmamalasakitan ng lalaking ‘yun!

“One day, magigising din sa katotohanan ang babaeng ‘yun. Siguradong babalik siya sa pamilya niya, mag-uumiyak, magsisisi, mangyari na sana ‘yun habang maaga pa. Sayang na sayang ang girl, napakaganda pa ng nakaabang na future para sa kanya.

“Kaya nga lang, e, hibang na hibang pa siya sa love sa ngayon. Bulag siya, walang nakikitang iba kundi ang boyfriend niya lang. Bingi rin siya sa mga pangaral dahil ang akala niya, e, inilalayo lang sa kanya ang guy.

“Sayang na sayang ang girl na ‘yun, napag-iiwanan na tuloy siya ng mga ka-contemporary niya. Nakapanghihinayang siya!” napapailing pang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sanay na ang katawan Ellen hindi na nalalasing sa alak

Ibang klase rin ang sexy star na si Ellen Adarna. Walang pakialam sa mundo ang dalaga. Kahit nu’ng hindi pa siya nag-aartista ay napapanganga na lang sa kanya ang mga nakakakita sa kanya sa bar kapag nalalasing na siya.

Malakas uminom si Ellen. Kinakabog pala niya sa inuman ang mga kalalakihan. Imbudo nga ang tawag sa kanya ng mga dati niyang nakakasama dahil matindi raw sa paglagok ng inuming nakalala­sing ang sexy star.

Si Baron Geisler pala dapat ang makaharap sa inuman ng babaeng ito. Mamam kung mamam. Matira ang matibay sa kanilang dalawa. Magiging malaking hamon kay Ellen ang aktor na mukhang hindi na mabubuhay nang walang bitbit na agua de pataranta kahit saan ito mapadpad.

Pero ang bumabalanse sa dalaga ay ang mga papuri sa kanya ng mga nakakatrabaho niya. Sa kanyang mga pictorial ay gustung-gusto si Ellen ng mga stylist. “Nagsa-suggest lang kasi siya, hindi nagdidikta, hindi siya demanding,” sabi ng isang nakakuwentuhan namin.

Kahit sa taping ng sitcom kung saan siya kasama ay puring-puri rin siya ng mga co-stars niya, wala raw kaere-ere si Ellen, kahit pa galing siya sa isang buena familia sa Cebu.

“At nakikipagkuwentuhan siya sa mga nasa set, pantay na pantay ang pakikisama niya sa mga artista at sa utility, naturalesa na niya ang pagiging mabait at ma-PR. Wala siyang kaangas-angas.

“Puwedeng nakakaloka ang mga ginagawa ni Ellen, pero bilang tao, e, okey siya. Mahal siya ng mga katrabaho niya, maganda kasi ang ugali niya,” papuri pa kay Ellen Adarna ng aming source.

Panalo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with