^

PSN Showbiz

Singer-actress, teacher na teacher ‘pag break sa taping!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Walang problema ang produksiyon sa trabaho ng isang kilalang female personality. Kapag sumalang na siya ay garantisadong take one lang ang kanyang mga eksena. Tipid na sa negatibo ay tipid pa sa oras ‘yun.

Ang karaniwang problema ng staff ay bago siya sumalang. Marami kasi siyang pinagkakaabalahan sa kanyang lungga na mahirap na siyang baklasin nang mabilisan kapag ginaganahan na siya.

Marami siyang ginagawa kapag hindi siya humaharap sa mga camera. Gumagawa siya ng mga sulat, nagdo-drawing siya, gumagawa siya ng mga cards. Kumpleto siya sa kagamitan kapag dumarating siya sa set.

At ang isa pang nakasanayan ng aktres na hirap na hirap ang produksiyon sa pagbaklas sa kanya ay ang pakikipagkuwentuhan niya sa kanyang mga fans at kaibigan na dumadalaw sa kanya sa linya ng kanyang trabaho.

Kuwento ng isang source, “In fairness, magaling siyang umarte at memorized niya ang mga dialogues niya. Bihirang-bihira lang siyang makalimot ng mga linya niya. Take one siya palagi.

“Pero mahirap siyang tawagin para sa pagbabatuhan ng linya, parang wala siyang naririnig kahit pa pabalik-balik na ang staff sa tent niya. Sige pa rin siya sa mga ginagawa niya!

“’Yun lang ang talagang pinoproblema sa kanya ng production. Kapag nakikipagkuwentuhan na siya sa mga friends and fans niya, mahirap siyang baklasin. Parang deadma lang talaga siya,” kuwento ng aming impormante.

Parang classroom kuno ang tent ng pamosong female personality. May mga mesa at silya, may mga coloring books, may iba-ibang kulay ng pentel pen at iba pang mga kagamitan sa paggawa ng mga cards.

“Kaya nga kapag kailangan na siya sa set, e, sinasabi ng staff. ‘O, pakitawag n’yo na si teacher, malapit na siyang sumalang. Tawagin n’yo na ngayon habang may kinukunan pang iba para paglabas niya, tiyempo namang siya na ang sasalang.’

“Nakakaloka siya! Pangarap niya sigurong maging teacher nu’ng bata pa siya, kaya lang, e, naagaw na siya ng showbiz. Ang laki-laki nga naman ng kinikita niya sa pagkanta at pag-arte, sa totoo lang!

“Super-yayamanin na siya, bonggang-bongga ang kabuhayan showcase niya! At bukod pa ‘yun sa mga dating yaman ng family niya, ha!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kaya kinababaliwan ni Vice, Ronnie kasing liksing gumalaw ni Terrence!

Alam na namin ngayon ang dahilan kung bakit ayaw tumigil ang pag-uugnay kina Vice Ganda at Ronnie Alonte. Nagdenay na ang dalawa tungkol sa maingay na kuwentong may relasyon sila pero sige-sige pa rin ang ikot ng istoryang sila na ngayon.

Magaling palang basketball player si Ronnie Alonte, napanood namin ang telecast ng laban ng kanilang team ni Daniel Padilla kontra sa team ni Gerald Anderson, du’n namin nakita ang dahilan kung bakit malapit sa puso ng sikat na komedyante ang bagitong aktor.

Konting ensayo pa ay puwede na sa PBA ang galaw ni Ronnie, magaling din itong mag-shoot, malakas din ang kanyang katawan sa pakikipagbalyahan.

Kaya naman pala ang bagets ang nali-link kay Vice, mahilig sa basketball ang komedyante, mahilig din siyang makipaglapit sa mga basketball players.

Nakikita siguro ni Vice sa galaw ni Ronnie ang kanyang dakilang pag-ibig na si Terrence Romeo ng Globalport. Magkaporma kasi ang dalawa, kaya nga lang ay nakaaabante na nang maraming paligo ang PBA player, pero kapag tumutok sa basketball ang bagets ay puwede rin itong maging kasinghusay ni Terrence Romeo.

At kung kaguwapuhan naman ang pagbabasihan ay hindi nagpapahuli si Ronnie Alonte, makarisma ang bagets, maganda rin ang bulto ng kanyang katawan. ‘Yun pala ang dahilan kung bakit kalat na kalat ang kuwento na kapag may laro sa Laguna si Ronnie ay palaging nandu’n si Vice para magbigay ng moral support.

Palagi rin silang nakikitang magkasama ngayon, kaya lang ay nang-iimbita rin sila ng ibang kaibigan para siguro makalusot sila sa mga matang nakasunod sa kanila, si Ronnie Alonte raw ang nagbibigay ng inspirasyon at bitamina ngayon kay Vice Ganda.

Kaya naman pala…

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with