^

PSN Showbiz

Mga bahagi ng bahay ni Heart inaabang-abangan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nag-i-enjoy ang followers ni Heart Evangelista sa social media ‘pag nagpu-post ang aktres ng any part of her house. Gandang-ganda sila sa house nina Heart at Sen. Chiz Escudero. Pati nga table setting ‘pag nagpapa-party si Heart, marami ang nagkakagusto dahil nagkaka-idea sila kung ano ang gagawin.

Ang latest na pinuri ng followers ni Heart ay ang post ng kanyang vanity mirror. Kasabay ng positive comments ang promise na panonoorin nila ang My Korean Jagiya na magsisimula na ngayong Lunes, 9:15 p.m., sa GMA 7 sa direction ni Mark Reyes after Mulawin vs. Ravena.

Excited na ang fans nina Heart, Alexander Lee at maging fans ng ibang cast na mapanood ang kwento nina Gia at Jun Ho. ‘Katuwa ang request na ipa­labas agad ang kissing scene ng dalawa. Tiniyak ni Heart na hindi pagseselosan ni Sen. Chiz ang kissing scene dahil tame ito kumpara sa passionate kissing scene nila ni Dennis Trillo sa Juan Happy Love Story.

Anyway, sa kasabikan ng viewers na mapanood na sina Heart at Alexander, pati ang video nila ng GMA sa Facebook ay mabilis umabot sa 1-M views. Ito ‘yung video na tinuturuan ni Heart si Alexander ng Filipino words.

Nakakatuwa dahil naggi-guest si Alexander sa ibang show ng GMA 7 gaya ng Dear Uge kasama sina Angelika dela Cruz at Mika dela Cruz. Nagkita na rin sina Alexander at Gil Cuerva, ipinost nito sa Instagram (IG) niya ang picture nila na may caption na “When your Jagiya oppa meets the oppa from the Star.”

Si David Kim naman ay nalulungkot dahil babalik na siya ng Korea, mauuna siyang bumalik kina Alexander, Michelle Oh, at Jerry Lee. Nagpasalamat ito kay Heart at sa GMA families for the unforgettable memories.

Si Jerry naman, nagbakasyon muna at sa ipinost na pictures ay nasa Panglao, Bohol ito. Love niya raw ang Bohol at pati sa palengke ay rumampa na. Gaya nina Alexander, Michelle, at David, open si Jerry to make another show sa GMA 7.

Jennylyn at Dennis magsasama sa pelikula

Muling nagkita-kita sina Jennylyn Mercado at pamilya ni Patrick Garcia kasama si Dennis Trillo sa birthday ni Alex Jazz noong isang araw. Nagpa-party si Jennylyn para sa anak at imbitado sina Patrick at ang wife nitong si Nikka.

Sayang at hindi nag-post ng picture si Jennylyn ng pictures sa party ng anak, pero may mga nakita kaming IG stories ng party. May IG stories din na nagpakita ng sweetness nina Jennylyn at Dennis.

Galing din sa short vacation sa Batangas sina Dennis at Jennylyn bago sila sumabak sa shooting ng kani-kanyang pelikula. Si Jennylyn ay sasabak na shooting ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ni Derek Ramsay na Almost Is Not Enough.

Si Dennis naman ay tinapos lang ang taping ng Mulawin vs. Ravena at may sisimulang pelikula sa Reality Entertainment. May gagawin ding movie si Jennylyn Mercado sa Reality Entertainment at sigu­radong matutuwa ang DenJen fans kung silang da­lawa ang pagtatambalin sa nasabing project.

Christian Bables handang ipakita ang birdie

Sa The IdeaFirst Company piniling pumirma ng management contract ni Christian Bables dahil he feels safe and secured kung sina directors Jun Lana at Perci Intalan ang nagpapalakad sa career niya.

“After ng Die Beautiful marami ang nagpakita ng interes na i-manage ako. Pero parang ‘di ako masaya sa offer at feeling ko wala doon ang puso. Ang offer ng The IdeaFirst feeling ko nagkaroon ako ng fa­mily. Na-feel ko ang sense ng pagiging totoo at fa­mi­ly nila sa akin. Mahal nila ako at naniniwala sila sa kakayahan kong gawin. Sila ang dahilan kung bakit nasa showbiz ako,” sabi ni Christian.

Mapapanood si Christian sa TV series na Born Beautiful na spin-off ng Die Beautiful, Recipe for Love ng Regal Films, at movie ni Chito Roño kung saan ay may butt exposure siya.

Payag din daw siyang mag-frontal nudity kung kinakailangan ng story.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with