^

PSN Showbiz

Mga beteranong direktor nasasapawan na ng mga baguhan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mabilis ang pagsibol nga­yon ng mga baguhang director na nagsimula sa pag­didirek ng short films and indepen­dent films.

Sa rami ngayon ng mga bata, baguhan at ma­gagaling na directors, maraming veteran directors ang nadi-displace at nawawalan ng trabaho. Bukod kasi sa mura pa ang talent fee ng mga batang directors, mas fresh ang ideas at atake ng mga ito sa larangan ng pagdidirek.

Mangilan-ngilan na lamang among the veteran directors ang may mga proyekto dahil karamihan na rin sa mga movie producers ngayon ay sumusugal na sa mga baguhang director.

Piolo buhos ang grasya

Malaki talaga ang ang nagawa sa respective career nina Alessandra de Rossi at komedyanteng si Empoy Marquez ang unang pairing nila sa mega hit movie na Kita Kita.

Although may follow-up movie na ang tambalan nina Alex at Empoy, ang isa pang magandang balita ay ang pagkakaroon ng TV series ng dalawa kasama mismo sina Piolo Pascual at bagong leading lady nito na si Arci Muñoz with JC de Vera.  Ito’y nakatakdang idirek ni Antoinette Jadaone.

May bagong movie ring ginagawa ngayon sina Piolo at Toni Gonzaga na pinamamahalaan ni Joyce Bernal under Star Cinema. This is their reunion movie after their 2014 hit movie Starting Over Again

James hindi tunutulungan ni Michela kay Kris!

Gusto mang protektahan ni Kris Aquino ang kanyang bunsong anak na si Bimby 10 ay lalo lamang itong nakakaladkad sa kon­tro­bersiya dahil sa bangayan nila ng kanyang ex-husband na si James Yap.

Sa isang panayam, inamin ni James na walong buwan na silang hindi nagkikita ni Bimby. Inamin din ni James na hindi umano siya gusto ni Bimby at hindi rin nasusunod ang kanyang visitation rights sa anak. Dahil dito, nagpakawala si Kris ng mahabang litanya sa kanyang Facebook account laban sa dating mister. 

Sa bangayan ngayon ng dating mag-asawa, makialam kaya ang Italian girlfriend ni James na si Michela Cazzola na may open communication with Kris?

Pero kung okey sina Kris at Michela, bakit uma­bot ng walong buwan na hindi nagkikita ang mag-amang James at Bimby?

Martin napansin ang katamaran ng mga bagong talents

At 55, 35 years na sa entertainment business ang Concert King na si Martin Nievera. Sa kabila ng pagsulputan ng mga bagong singer-performer, natutuwa ang ex-husband ni Pops Fernandez na hindi pa rin siya nawawalan ng proyekto at in demand pa rin siya sa mga show and concert here and abroad.

Sa recent show ng ASAP sa Canada, napansin ni Martin na marami sa mga baguhang talents ang pa-star na hindi man lamang daw marunong magbitbit ng sarili nilang mga maleta at iniaasa sa iba na mag-asikaso ng kanilang mga bagahe.

Samantala, pinaghahandaan na ngayon ni Martin ang kanyang ika-35th anniversary concert sa The Theater ng Solaire at malamang na ma­ging special guest niya ang kanyang ex-wife na si Pops.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with