^

PSN Showbiz

Akting ng actor bentang-benta sa mga bakla!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hinangaan ang male personality na ito sa isang pelikulang nagbigay sa kanya ng karangalan. Magaling naman kasi siyang umarte, cool na cool lang, pero rock!

Pero hindi lang pala sa pelikula magaling umarte ang aktor na ito, maging sa totoong buhay, dahil marami na siyang nilalapitang beki na pag-arte rin ang kanyang puhunan.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng one time, nag-text siya sa isang beki, may ibi­nebenta raw siyang gitara. Mahalaga raw sa kanya ‘yun pero kailangan niyang i-let go, dahil may matindi siyang pinagdadaanan.

“May chance pa naman daw na makabili uli siya ng guitar, marami pang pagkakataon, pero kailangan daw niya ang pagbebentahan nu’n dahil may isang kamag-anak siyang maysakit na gusto niyang tulungan.

“Aanhin naman ng beki ang gitara? So, nagkita sila, dala-dala niya ang props na ibinebenta niya. Sabi niya sa beki, ‘Napakaimportante sa akin ng gitarang ito. Isa sa mga pinakauna kong investment ito. At very useful ito sa akin dahil sa mga provincial shows, nagagamit ko ito.’

“Nangingilid ang luha niya, kaya natural, naawa sa kanya ang beki. Instead na kunin ang ibinebenta niyang gitara, e, binigyan na lang siya ng pera. Wala nang bayaran ‘yun, bigay na lang.

“Nu’ng minsan naman, e, tumawag siya sa isang beki, taco naman ng bilyar ang ibinebenta niya. Ganu’n din ang drama niya, napakahalaga sa kanya ng taco na ‘yun dahil nu’ng kumikita na siya, e, isa ‘yun sa mga unang binili niya.

“Ang litanya niya naman sa beki, e, iba. Marami siyang script. Ang sabi niya, ‘Aanhin ko naman ang mamahaling taco na ito? Hindi ko naman siya mahahati-hati para may  kainin ang family ko?’

“Natural, naawa naman sa kanya ang beki, kaya instead na bilhin ang taco ng bilyar, e, give na lang siya ng datung! Palaging panalo ang acting niya sa mga beking nilalapitan niya!

“Best actor nga siya, magaling siyang umarte, nakukuha niya ang simpatya ng kaharap niya. Kaya ang tanungan ng mga beki, e, ano naman daw kaya sa susunod ang ibebenta kuno ng best actor na ‘yun?

“Nakakaloka siya! Sa likod at sa harap ng mga camera, e, best actor talaga siya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Ubos!

Kesa kay James, Michela mas takot kay Kris?!

Upak-to-the-max ang naging resbak ni Kris Aquino sa iilang linya lang namang binitiwan ni James Yap sa interbyu nito sa pagbubukas ng isang bar kung saan ito kasosyo.

Kung short story ang kay James ay nobela naman ang sagot ni Kris, isang senaryong inaasahan nang mangyayari ng publiko, dahil si Kris pa ba naman ang magpapalampas ng ganu’ng argumento?

Si Bimby ang pokus ng kuwento, ang pinakamamahal niyang anak, kailangang ipagtanggol niya ang anak nila ni James na walang kalaban-laban. Nasa A pa lang si James ay nasa Z na si Kris Aquino.

Kung anu-ano na ang inungkat ni Kris, lalo na sa usapin ng pera, ipinagbanduhan niya na ang pinakahuling pagbibigay ni James para sa pangmatrikula ni Bimby ay tatlong taon na ang nakararaan.

Huwag daw pa-victim si James dahil ang isang lalaking nakipaghiwalay sa nakarelasyon nito nang apat na taon lang pero nagkamal nang milyun-milyon ay hindi kailanman magiging biktima.

Si Michela Cazzola lang ang kinakausap ni Kris, hindi si James, ang dalawang babae lang ang may komunikasyon. Nakakalungkot lang isipin na sa ganu’ng klase ng sitwasyon ay parang tahasan na ring ibinebenta ng Italyana ang ama ng kanyang anak.

Kanino kaya kakampi ngayon si Michela? Sa kaibigan nitong si Kris o sa ama ni MJ na nilalait-lait ngayon ng kanyang ex? O baka naman lumugar na naman ito sa isang sitwasyong hindi ito maiipit?

Palaging play safe si Michela. Natatakot siguro itong makatikim ng mga salita ni Kris na walang katapusan, kaya kahit nagmumukhang eng-eng na si James ay ayos lang, ligtas na ligtas ito.

Dumarating tayo sa punto na kailangan na nating manindigan. Hindi puwedeng gumitna si Michela sa nagaganap ngayon, kailangan na nitong mamili kung sino kina Kris at James ang kanyang papanigan, dahil ‘yun ang kailangan at nararapat.

Hindi na kani-kanyang langoy ang nararapat ngayon, hinihintay ng bayan ang boses ni Michela, ipagtatanggol kaya nito ang ama ng kanyang anak o magkakapit-bisig sila ni Kris Aquino sa pangdidikdik kay James Yap?

Abangan!!!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with