^

PSN Showbiz

Kylie gusto na ayaw magtrabaho! Vic gustong ihanay ang sarili sa mga indie producer

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Kapuso Stars sumailalim sa intense training ni Eric Morris

PIK: Suportado ng GMA 7 ang puspusang pagti-training ng GMA Artist Center sa kanilang mga talent.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng three-day acting workshop ang stars ng GMAAC sa ilalim ng professional acting teacher mula sa New York na si Anthony Vincent Bova. In-endorse mismo ni Eric Morris ng The Eric Morris System ang intense training na ito sa mga artista.

Iniharap si Bova sa press kamakalawa lang at dinaluhan ito ng GMA 7’s Senior Vice President on Entertainment TV na si Ms. Lilybeth Rasonable.

Doon namin nakausap sandali si Ms. Rasonable at nabanggit niya sa a­ming gusto na sanang bumalik sa trabaho si Kylie Padilla pero nakikita namang hindi pa puwede at abala pa sa pag-alaga sa kanyang Baby Alas Joaquin.

“Actually, gusto namin siyang i-casting eh. Pero hindi siya puwede kasi kapapanganak lang. Mag-aalaga pa ng baby. Naintindihan naman natin ‘yun.

“Pero sa totoo lang, itong mga darating na soaps, gusto na namin siyang i-cast. So, talagang inaabangan namin siya,” pahayag ni Ms. Rasonable.

PAK: “It’s good to be back!” bulalas ni Vic Sotto sa story conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Meant To Beh.

Masaya siyang nakatsikahan ng ilang miyembro ng media na nag-cover sa kanilang story conference na dinaluhan ng leading lady niyang si Dawn Zulueta at ilan pang co-stars na sina Daniel Matsunaga, Andrea Torres, Gabbi Garcia, JC Santos, at Baeby Baste.

Isang taon din daw siyang nabakasyon sa MMFF, kaya natutuwa siya dahil may mga pagbabago sa proseso ng pagpili ng walong entries, at mabuti pasok ang pelikula niya sa unang batch.

“I definitely agree with the rules for this year to accommodate everyone, ‘yung sinasabi nilang mainstream or mga indie. Kasi personally I don’t look at it that way, ito indie, ito mainstream.

“Para sa akin pare-parehong puro Filipino film yan eh. I can consider myself as an indie producer because I don’t belong to the big production house. It’s just a name na nalagyan lang ng branding which shouldn’t be the case sana. This set-up is kinda ideal for everyone, so everybody happy.”

Magiging masaya ang Pasko ni Bossing Vic dahil iyon na ang due niya sa kanilang baby girl na ipinagbubuntis ngayon ni Pauleen Luna.

“She’s due last week of November or first week of December. Most probably nasa post production na kami,” nakangiting pakli ni Bossing.

“After 26 years, I’ll be a father again. Of course the excitement parang nari-recycle ‘yung pagka-excited of having a baby. Siyempre ang mas excited si misis,” sabi pa niya.

BOOM: Kung hindi kampante ang ibang mag-asawa sa setup ng prenup, sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ay hindi.

Tingin daw nila mas kumportable sila sa ganung setup na kanya-kanya sila ng kita, kanya-kanya sila ng gastos, pero pagdating sa mga gastusin sa kanilang bahay ay hati sila.

“Ganun talaga eh. Chiz is really such an open-minded person, and that’s how it is.

“Hindi naman ako nakatanga lang sa bahay at nagluluto na wala akong ginagawa. I’m working. So, what’s wrong with that?” pahayag ni Heart sa press launch ng bagong drama series niya sa GMA 7 na My Korean Jagiya na magsisimula na sa August 21.

Maayos daw at practical na nagkaroon sila ng prenup agreement, na hanggang nga­yon ay kanya-kanya pa rin sila.

Kung ano ang kinikita ni Sen. Chiz ay kanya pa rin, at ganundin naman si Heart.

Pati sa mga gastusin ay hati rin sila at nagkakaintindihan daw sila sa ganung setup.

“Meron kaming dalawang tray, at meron dun kung ano hahatiin namin na gastos.

“Mas okay sa akin ‘yun. You want a better life, you help each other,” saad ni Heart.

Kung hindi raw ito ubra sa iba, sa kanila ay okay na okay ito.

“I think people should just mind their own business when it comes to you know… this is how we work, this is how they work, and it works. So, I don’t see the problem,” dagdag niyang pahayag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with