^

PSN Showbiz

Nadine ipinahiram ng Viva! Direk Paul ayaw palakihin ang kuwento sa kanila ni Erich

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Magsisimula sa September ang shooting ng Barbie, My Wonder Beki, ang pelikula ng OctoArts Films na tatampukan ni Paolo Ballesteros.

SCENE: Dalawa ang pelikula na gagawin ng OctoArts Films ngayong 2017, ang Barbie, My Wonder Beki at ang Meant to Beh, ang movie project nina Vic Sotto at Dawn Zulueta na official entry sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

SEEN: Hataw si JC Santos sa paggawa ng mga pelikula habang hindi pa siya busy sa mga teleserye. Cast member si JC ng Meant to Beh, leading man siya ni Bela Padilla sa 100 Tula Para kay Stella at tampok sa Paglipay. Official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang 100 Tula Para Kay Stella at Paglipay. Huling napanood si JC sa Nabubulok na official entry sa 13th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

SCENE: Ngayon ang opisyal na pagsisimula ng Pista ng Pelikulang Pilipino na proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Walang mapapanood na foreign movies sa mga sinehan mula August 16 hanggang August 22 dahil sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

SEEN: Hindi papatulan ng direktor na si Paul Soriano ang mga tsismis na nag-uugnay sa kanya kay Erich Gonzales dahil magiging malaki lamang ang isyu kung magsasalita siya.

SCENE: Pinalitan ng Star Cinema ang pamagat ng filmfest movie nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach.

Gandarah N’ Guapito na ang title ng The Revengers na pamagat ng isang Hollywood movie noong 1972.

SEEN: Tututukan ngayong tanghali ni Tony Calvento ang It’s Showtime dahil aabangan niya ang personal na public apology ni Vice Ganda.

SCENE: Si Nadine Lustre ang magbibida sa The Nurse, ang horror movie na kukunan sa Japan ang mga eksena. Ang The IdeaFirst Company ang producer ng The Nurse at nagpapasalamat si Jun Lana sa Viva Films dahil ipinahiram nito si Nadine sa film outfit nila ni Perci Intalan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with