PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

First birthday ng anak ni Diana star studded!

SEEN: Star studded ang 1st birthday kahapon ni Aliyah Rose Smith, ang anak nina Diana Zubiri at Andy Smith. Ginanap ang birthday party ni Aliyah sa Blue Leaf Cosmopolitan, Libis.

SCENE: Kasama nina Rep. Alfred Vargas, Patrick Garcia, Camille Prats, Isabel Oli Prats, Katrina Halili, Aubrey Miles, Nadine Samonte, Patrick Garcia, Yasmien Kurdi, at Neil Ryan Sese at marami pang iba ang kanilang mga anak sa birthday celebration ni Aliyah Rose Smith.

SEEN: Ngayon ang premiere night sa SM Megamall Cinema 7 ng 100 Tula Para Kay Stella, ang pelikula nina Bela Padilla at JC Santos.

SCENE: Opisyal na ipakikilala ngayon ng GMA 7 sa entertainment press si Alexander Lee, ang Korean actor na leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.

SEEN: Ayaw nang paapekto ni Ella Cruz sa businessman na ginamit siya sa publicity para mapag-usapan. Iniiwasan ni Ella na magpainterbyu tungkol sa businessman na kulang sa pansin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: