PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Takot sa mapapangasawa Anne ingat nang magpa-sexy

Anne Curtis

Malamang sa taong ito maganap ang kasalan sa pagitan nina Erwan Heu­ssaff at Anne Curtis. Bagaman at marami ang natutuwa sa magiging pagbabago sa buhay ng seksi, maganda at mabait na host ng It’s Showtime, marami rin ang nalulungkot na baka ma­bawasan ang kan­yang ning­ning bilang artista kapag naging misis na siya.

Hiling nila na sana ay matulad siya kay Solenn Heussaff na kahit nag-asawa na ay mas gumaganda pa ang karera. Marami ang makaka-miss sa kanya kung sakali.

Lately ay parang nabawasan na ang pagpapaseksi ni Anne sa It’s Showtime. Mas sexy pang tingnan ang mga kasamahan niyang sina Nadine Lustre at maging si Karylle na matagal na ring may asawa. Si Anne, ang kaseksihan ay parang nalimita­han na sa pagsusuot ng mini skirt.

Christopher bubuhayin ni Dingdong

Ginagampanan ni Christopher de Leon ang role ng ama ni Dingdong Dantes sa season 1 ng Alyas Robin Hood na ang kamatayan ay ibinintang pa sa kanya.

Nagtataka lang ang maraming manonood kung paano maibabalik pa ang character ng isang nama­yapa na unless sa pamamagitan ng flashbacks dahil ayaw ng mga manonood ng ARH na mahaluan ng mahika o pantasya ang kuwento ng isang simpleng lalaki na kinatigan ng kapalaran para maging tagapagtanggol sa paggamit ng pana at pagiging abogado.

Kasamang magbabalik ng premyadong aktor ang kanyang anak na si Gab de Leon na gaganap bilang young Christopher de Leon, ang nagbabalik mula sa isang bakasyon na si Empress Schuck, Hiro Peralta, Joshua Zamora at marami pang bago at ngayon lang makikita sa serye.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mapapanood ang Alyas Robin Hood 2 simula Agosto 14, pagkatapos ng 24 Oras.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: