^

PSN Showbiz

Coco nanghingi ng tulong kay Direk Brillante!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa ipinakita ang karakter ni Derek Ramsay sa pilot episode ng Amo na mapapanood sa TV5 simula August 20. Pero walang reklamo ang aktor maski kung bida o kontrabida siya sa mini-series dahil ang importante ay maganda ang material.

Lalong wala itong problema sa location ng Amo sa Addition Hills na mahirap puntahan dahil maliliit na iskinita ang dadaanan. Hindi rin nagreklamo na walang aircon and tent na standby area niya. Kaya masuwerte si direk Brillante Mendoza at ang TV5 for having a contract star like Derek.

Sabi pala ni director Brillante tigil muna ang Brillante Mendoza Presents and for 12 weeks, ang Amo muna ang mapapanood sa time slot nito. Kapag naging successful ay magkakaroon ito ng season 2.

Samantala, nahingan ng reaction si direk Brillante sa pagiging director ni Coco Martin na aktor niya sa maraming pelikula.

“He asks me kung ano ang gagawin niya, ano ang dapat iwasan. Hindi siya nanghingi ng advice at pointers dahil feeling ko, kaya niya at artist din siya. Dati rin siyang AD sa movies ko, crowd director. Ang sinabi ko lang, ‘wag niyang kalilimutan ang small details and treat the production well. Ang ibang production staff niya, staff ko rin,” sabi ni direk Brillante.

Regine walang kahirap-hirap sa pagbenta ng tickets

Hindi na mahihirapan ang Viva Live na i-promote ang October 21, concert ni Regine Velasquez billed R3.0 dahil sa first day nang inilabas ang tickets ay sold out agad ang Platinum, VIP A, VIP B, Patron A, Patron B seats. Sa second day ng ticket selling, sold out na rin ang Patron C. Obvious na na-miss si Songbird ng kanyang fans na mapanood sa concert.

Nang makausap si Regine sa taping ng Mulawin vs. Ravena, wala pa siyang nabanggit na guests at ang uunahing pagmitingan ay ang repertoire ng concert.

Samantala, once a week lang kung mag-taping sa Mulawin vs. Ravena si Regine, pero busy pa rin ang schedule niya dahil bukod sa paghahanda sa concert ay nagre-recording pa siya ng album. Hindi niya maiwan ang fantaserye dahil gusto niya ang karakter na si Sandawa na nagtuturo sa pag-aalaga sa kalikasan. 

Kris naikonek sa business ang serye

Businesswoman talaga si Kris Bernal dahil nagagawang ikonek sa hamburger business niyang Meat Kris ang tumatakbo niyang teleserye na Impostora. May in-in­troduce siyang burger na tinawag niyang Team Rosette at Team Nimfa, mga karakter niya sa nasabing teleserye.

Sa reaction ng netizens at base sa ipi­nost na picture ng dalawang klase ng burger, mas marami ang may gusto ng Team Rosette burger. Ibig kayang sabihin nito, mas gusto ng netizens ang kontrabida karakter ni Kris?

Edu saludo kay Dingdong

Kasama si Edu Manzano sa Alyas Ro­bin Hood 2 at gagampanan ang role ni Emilio na ang sabi nito, “He’s a very charismatic individual but also very scheming. Kumbaga kung may dala ka nang opinion, kaya ka niyang i-charm at baguhin ‘yon.”

Masaya rin si Edu dahil makakasama niya sa teleserye ang friends niyang sina Jaclyn Jose at Jay Manalo. Excited din siyang makatrabaho sina Andrea Torres, Solenn Heussaff, at si Dingdong Dantes na ngayon lang niya makakatrabaho.

“Bilib ako kay Dingdong, masipag and very, very hardworking. Kita mo alaga ‘yung dedication niya sa kanyang craft. And nung his wife just gave birth, ‘di ba he really took time off kasi dedicated siya sa fa­mily niya and I’m honored to be in a series with him,” patungkol ni Edu kay Dingdong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with