^

PSN Showbiz

Beteranang aktres na bastos ang bibig, kinalasan ng manager

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi na kinaya ng isang kilalang manager ang kabastusan ng kanyang alagang female personality kaya binitiwan na niya ito.

Kahit pa maglumuhod ngayon sa asin ang malditang aktres ay wala nang pag-asang tanggapin pa niya uli ito, tapos na ang lahat sa kanilang dalawa, hindi na kayang lunukin ng manager ang kabastusan ng nagkakaedad nang aktres.

Simple lang ang dahilan, nakikisabay ang isang veteran actress sa service van na gamit ng malditang aktres, malayo kasi ang kanilang location. Ang ginawa ng hitad na aktres ay tinawagan ang kanyang manager.

Kuwento ng aming source, “Napakabastos niya, ‘di ba? Aalug-alog lang naman siya sa service van, pero ayaw pa niyang isabay ang veteran actress? Sa age na lang ng personality na nakikisabay sa kanya, dapat, e, pumayag na siya!

“Pero hindi, tinawagan niya ang manager niya at ang sabi niya, ‘Sayang naman ang 10% na kinukuha mong commission sa akin kundi mo ginagawa ang trabaho mo bilang manager!’

“Naloka siyempre ang manager, halos hindi siya makapagsalita, dahil sa sobrang kabastusan ng alaga niya! Imagine, nakikisabay lang sa service van ang veteran actress na ayaw na ayaw niya, ganu’n ang ibubuwelta niya sa manager niya?

“Kung makapagsalita ang babaeng ‘yun, e, para namang ibinibigay nga niya ang ten percent commission ng manager niya, samantalang hindi naman!

“Ayun, nag-decide na ang manager na bitiwan ang alaga niya, bahala na siya ngayon sa buhay niya, tingnan na lang natin kung sino ang makukuha niyang manager na makatitiis sa kabastusan niya!” napakadiing sabi ng aming impormante.

Ikalawang pagkakataon na palang nagpalutang ng kabastusan ang aktres, binitiwan na ito ng kanyang manager nu’n, pero panay-panay ang pagso-sorry nito kaya tinanggap naman ng manager.

“Nakakaloka siya! Kung ano ang role na madalas niyang gampanan sa pelikula at mga serye, e, ganu’n din siya sa tunay na buhay, kontrabida siya!

“Naku, siya ang masarap buhusan ng isang basong tubig sa mukha, ‘no! Napakalayo ng ugali niya sa mga kapatid niyang artista rin! Bastos siya!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Alden ‘di nilulubayan ng suwerte dahil sa kabaitan

Sa isang mabahang biyahe ay nakasabay ng aming mga kaibigan si Alden Richards. Natural, nag-aabang ang mga ito ng tamang pagkakataon para makipag-selfie sa Pambansang Bae.

Sobrang tuwa ng aming mga kaibigan nang si Alden pa mismo ang nag-approach sa kanila, nakangiti silang nilapitan ni Alden, saka nagpa-picture sa tabi nila. nagpiyesta ang tropa!

“Ibang klase si Alden, super-bait niya, bago siya natulog, e, talagang pinagbigyan niya muna kaming makapagpa-picture sa kanya,” kuwento ng aming kaibigan.

Marami nang ganu’ng kuwento tungkol sa singer-actor, kumakalat ang mga istorya ng kanyang kabaitan sa ating mga kababayan, kaya lalong lumalawak ang kanyang mundo bilang artista.

Ganu’n din ang nangyari nu’ng minsang bumiyahe siya, malapit na siyang maiwanan ng flight dahil galing pa siya sa Eat.. Bulaga, pero hindi naging hadlang ‘yun para mapasaya niya ang mga fans na nakaabang sa kanya.

Hindi naiimbento ang kabaitan. Naturalesa ‘yun ng personalidad. Kung mabait ang artista ay lumulutang ‘yun sa lahat ng pagkakataon nang hindi pilit. At kung may hindi kagandahang ugali ang personalidad ay ramdam na ramdam din ‘yun.

Sabi ng isang kaibigan namin mula sa BDO, “Sikat na sikat na si Alden, pero wala siyang ipinagbabago. Hindi siya ‘yung tipong gagamitin ang popularity niya para lang mapadali ang ginagawa niya.

“Kapag dumarating siya sa bank, tahimik lang siyang nakaupo, hindi siya papansin, napakasimple lang niya. Hindi lumaki ang ulo niya,” kuwento nito.

At napakalawak ng kanyang pang-unawa kahit sa mga taong todo-todo siyang ibinabagsak at pinupukol nang masasakit na salita. Nagpapairal ng pagiging edukado ang guwapong aktor at siya mismo ang nagpaparamdam sa lahat kung paano siya pinalaki ng kanyang mga magulang.

Matagal na panahon pa niyang mahahawakan ang napakagandang oportunidad na iniregalo sa kanya ng kapalaran. Mahusay siyang mag-alaga ng suwerte, hindi siya pinagbabago ng kasikatan, hindi siya nalulunod sa isang bagong tubig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with