Derek ipinarada ang sports car! Toni pinayuhan Direk Paul at Erich ginagawan ng malisya
SCENE: Malapit nang matapos ang kontrata ni Derek Ramsay sa TV5 pero ito ang priority niya bago siya tumanggap ng offer mula sa ibang mga television network.
SEEN: Ipinarada kahapon ni Derek Ramsay sa harap ng isang hotel ang sports car niya dahil sasayad ito sa semento kapag ipinarada sa basement parking. Si Derek ang lead actor ng Amo, ang bagong action television series ng TV5.
SCENE: Maging mapagmasid at talasan ang pakiramdam sa activities ng kanyang asawa na may pelikula na ginagawa sa Siargao, ang friendly unsolicited advice kay Toni Gonzaga.
Binibigyan ng malisya ng ilan ang closeness nina Direk Paul Soriano at Erich Gonzales.
SEEN: Nagpagawa ang Viva Films ng sexy outfit na may print na Double Barrel para kay Phoebe Walker, ang lead actress ng pelikula na may playdate na August 9. Ginamit ni Phoebe ang Double Barrel sexy top sa presscon ng pelikula nila ni AJ Muhlach.
SCENE: Twinning ang mag-inang Lucy Torres at Juliana Gomez sa neck accessories na ginamit nila nang dumalo sila sa State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte.
SEEN: Maganda ang mestisa girl na kasama ni Dan Fernandez sa wedding reception nina Congressman Alfred Vargas at Yasmine Espiritu. Si Dan ang estranged husband ng former actress na si Shiela Ysrael.
SCENE: Hindi isasali ng Cineko Productions sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 ang Besh and the Beshies, ang comedy movie nina AiAi delas Alas, Carmi Martin, at Zsa Zsa Padilla.
SEEN: Ginunita kahapon ni Zsa Zsa Padilla at ng pamilya ni Dolphy ang 89th birth anniversary ng King of Comedy na pumanaw noong July 10, 2012.
- Latest