^

PSN Showbiz

Female personality hindi nagbitiw, tinigbak sa show sa kamalditahan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May matinding pinanggagalingan naman pala ang pagkakatanggal sa isang female personality sa isang programa. Hindi pala totoong siya ang bumitiw sa show, siya ang tinanggal, dahil hindi na matagalan ng kanyang mga katrabaho ang kakaiba niyang ugali.

Tama. May attitude problem nga ang female personality. Kung saan niya ‘yun hinuhugot ay siya lang ang nakakaalam. Kung tatanungin kasi ang mga dati niyang katrabaho ay wala pa siyang hawak na karapatang magmaldita dahil wala pa naman siyang napatutunayan.

May kaangasan nga raw ang female personality. Gusto niyang kunin ang atensiyon ng production staff, nagpapapansin siya, parang gusto niyang sa kanya lang nakatutok ang oras ng lahat.

Kuwento ng aming source, “Ang feeling kasi ng babaeng ‘yun, porke may pumupuri sa kanya, e, ‘yun na ‘yun! E, sino ba naman kasi ang mga pumupuri sa kanya? ‘Di ang mga supporters lang niya, saka ang boyfriend niya na wala nang ginawa kundi ang i-praise siya nang i-praise!

“Dahil du’n, e, lumaki na ang ulo niya. Feelinggera na siya. Totoong pinagmalditahan niya ang ilang production staff nu’ng may ipinasusuot sa kanya na hindi niya feel!

“Kung anu-ano ang pinagsasabi niya, kaya ayun, may-I-sumbong siya sa mga powers that be ng network! Napatunayan na siya ang mali, ang nagmamaangas, kaya right away, natsugi siya sa show!” kuwento ng aming source.

Nu’ng minsang imbitahan ang female personality sa isang provincial show ay meron siyang kuda sa kanyang road manager. Kailangan daw ng tight security sa pagdating niya du’n dahil baka siya pagkaguluhan.

Patuloy ng aming source, “Ginawa naman ng mga taong kausap nila ang request niyang tight security. Baka nga naman kasi siya masaktan, sasagutin pa ng committee ang pagpapagamot sa kanya kung sakali.

“Heto na. pagbaba niya sa airport, may mga tumi­tingin naman sa kanya, pero nagtatanungan ang mga nandu’n kung sino siya. Walang nang-mob sa kanya, as in waley, kaya pahiya ang hitad na female personality na ang ilusyon yata sa sarili niya, e, super-sikat na siya!” tawa nang tawang kuwento ng aming kausap.

Ubos!

Coco at Julia ayaw lang ipangalandakan ang relasyon!

Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin sina Coco Martin at Julia Montes na matagal na silang magkarelasyon? Ano kaya ang kanilang dahilan?

Magkalapit lang ang kanilang bahay sa isang subdivision sa Quezon City, ang balita pa nga ay si Coco mismo ang nagpagawa ng bahay ni Julia, pero kapag tinatanong ang dalaga tungkol sa kanila ni Coco ay taling-tali ang kanyang dila.  

Napakasuwerte nila sa isa’t isa. Responsableng anak at kapatid si Coco, hindi niya sinosolo lang ang mga pinaghihirapan niya, kaya kung ganu’n kabuti ang aktor sa kanyang pamilya ay mas magiging higit na responsable pa si Coco kapag nagpamilya na sila ni Julia.

Si Julia naman ay kapuri-puri sa pag-aasikaso sa kanyang ama na ngayon lang nito nakasama, hindi nakapagsasalita at nakaririnig ang kanyang ama na tulad din ng kanyang ina, mabuti ang puso ng dalagang aktres sa pagmamahal sa kanyang mga magulang.

Pero kahit anong tanong pa ang ibato sa kanilang dalawa ay walang napapalang pag-amin ang mga reporters, binabago nila ang usapan, hanggang sa makalimutan na ang tanong kung sila na nga ba.

Maganda rin para sa kanila ang hindi pagbibigay ng kumpirmasyon nina Coco at Julia. Pampubliko na nga naman ang kanilang buhay bilang mga artista, lahat-lahat ay ibinibigay na nila, kaya nag-iiwan sila ng espasyong para sa kanilang dalawa lang.

Naglalaan sila ng panahon para sa kanilang dalawa lang, ‘yung walang mga intriga, walang pagpipistahan tungkol sa kanilang dalawa.

Pribadong relasyon ang gusto nila. Matagal nang sila, napakatagal na rin silang tinatanong tungkol sa kanilang relasyon, pero wala silang kinukumpirma.

Puwedeng gustung-gusto na nilang ipagmalaki sa buong mundo na sila na nga, pero mas gusto nilang gawing pribado ang kanilang pagmamahalan, kuha namin ang punto nina Coco at Julia.

May mga artista talagang mapagpahalaga sa kanilang kapribaduhan. Meron silang iniiwanang kapirasong mundo para nila ma-enjoy nang malayo sa mga mata ng publiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with