^

PSN Showbiz

Beauty queens tatakbo sa Manila Bay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tatakbo ang bagong tanghal na Miss Philippines-Earth na si Karen Ibasco, kasama ng kanyang mga runners-up, gayundin ang mga Reyna ng Aliwan mula 2014 hanggang 2017 na sina Steffi Rose Aberasturi, Stephanie Joy Abellanida, Cynthia Thomalla, at Marla Alforque sa 2017 Manila Bay Clean-Up Run na gaganapin sa Linggo, July 23.

Magtatanghal naman ang Go Girls at si Tanya Chinita ng 101.1 Yes FM sa mini concert pagkatapos ng fun run, na layuning makalikom ng karagdagang pondo para sa paglilinis ng Manila Bay.

Ang iba pa’ng mga deejay ng 90.7 Love Radio, 101.1 Yes FM at 96.3 Easy Rock ay ipinangangalandakan na ang kanilang mga singlet sa fun run upang mahikayat ang publiko na suportahan ang mga proyektong naglalayong isalba ang ating mga ilog at karagatan .

Lalahok din ang mga running clubs, paaralan, corporate teams at iba’t-ibang running enthusiasts bilang tulong sa kampanya.  Magsisimula ng fun run ng 4:30 ng madaling araw.

Magmula alas-dos ng madaling araw hanggang alas-siyete ng umaga, sasaraduhan ang southbound lane ng Roxas Boulevard mula T.M. Kalaw hanggang Cuneta Astrodome, gayundin ang daan mula Roxas Boulevard patungong Diokno Road, at Seaside Boulevard mula Diokno hanggang Bayshore. Mangyaring humanap ng ibang kalyeng daraanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with