^

PSN Showbiz

Jenine sinisira ang sariling anak!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Elmo to the rescue

Matindi nga siguro ang hindi pagkakaintindihan ngayon ng mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador dahil umabot na sa kaalaman ng lahat sa pamamagitan ng social media ang bangayan nila.

Ang pangyayaring ang ina at hindi ang sikat niyang anak ang may reklamo at kinailangan pa niyang ipaalam sa publiko ay nagbabadya lamang ng mas malalang away na kailangan nilang maresolba agad-agad para hindi na maapektuhan ang karera ni Janella.  

Sa halip na sa social media siya tumakbo para magsumbong bakit hindi sa mga nagpapatakbo ng karera ng kanyang anak? Malaki ang maitutulong nila para mailagay sa kanyang tamang kalalagyan ang batang artista habang hindi pa ito sumasagot sa akusasyon ng kanyang ina at malagay siya sa posisyon na magagalit sa kanya ang publiko sa pagiging masamang anak. Hindi tanggap ng publikong Pinoy ang mga salbaheng anak, kahit ang may mali pa ay ang kanilang mga magulang.

Alex maraming itinuro kay Marc

Nagpapaka-humble naman si Marc Abaya sa pagsasabing marami siyang natututunan kay Alessandra de Rossi bilang isang singer. Alam naman kasi ng marami na bukod sa pagiging isang mahusay na artista ay isa rin siyang musikero, bokalista, at lider ng isang banda. Musika nga ang naglapit sa kanilang dalawa nang magsulat ng kanta ang aktres, ang Swept Away na pinagtulungan nilang lagyan ng musika at gawan ng video. Mula noon ay pareho na silang tumatambay na magkasama. 

Ayaw pa nilang aminin ni Alex (palayaw ni Alessandra) ang totoong estado ng relasyon nila. Ang tanging inaamin nila ay ang kanilang pagiging special friends. Napapasaya nila’t nabibigyan ng inspirasyon ang isa’t isa. Kung sapat na ito para humantong sila sa isang mas malalim na relasyon ay panahon lamang ang makapagsasabi.

TV commercial ng gatas dapat tularan ng mga hiwalay

Ang ganda naman ng commercial ng Nido tungkol sa isang separated couple na pinananatili ang pagkakaibigan para sa kanilang anak. Taliwas ito sa sitwasyon ng maraming hiwalay na pareha na nag-aaway, hindi nag-uusap at nagkikibuan at ipinagkakait ng ina ang anak sa ama at ang ama naman ay tumigil na sa kanyang obligasyon sa anak. Sana maraming separated couples lalo na sa showbiz ang tulad ng nasa komersyal ng nasabing brand of milk para mas maraming bata na produkto ng failed relationships ang lalaki pa ring normal at masaya.

Daniel suwerteng nakabalik

Suwerte ni Daniel Fernando na makaraan ang mahaba niyang pamamahinga sa pag-aartista ay isang magandang role ang natanggap niya sa Ikaw Lang Ang Iibigin bilang isang lalaking obsessed sa babaeng kanyang minamahal na ginagampanan ni Ayen Laurel. 

Kontrabida ang role ng aktor/pulitiko na ginawan niya ng atake na hindi pisikal, pero nakakainis pa rin at ikinagagalit nang husto ng manonood. Mukhang nakadiskubre siya’t natuto ng isang mabisa at magaling na paraan ng pagganap ng role ng isang kontrabida.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with