^

PSN Showbiz

Buboy Villar maraming plano kahit walang stable job!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Habol sa baby boom sa taong ito ang teen-fiancée ng teen actor na si Buboy Villar, ang non-showbiz at Fil-Am na si Angilyn Serrano Gorens. Ang young couple ay nag-i-expect ng baby girl.

Plano rin umano ng young couple na magpakasal next year sa Amerika kung saan naka-base ang pamilya ni Angie.

Marami ang nag-react kung stable na raw ba ang income ni Buboy para bumuo ng isang pamilya. Gaano man ka-in love ang da­lawa sa isa’t isa, dapat din nilang i-consider ang magiging future nila bilang couple at sa kanilang magi­ging supling.

Almost two years na rin ang relasyon ng dalawa at hindi umano pabor sa relasyon ng dalawa ang mga magulang ni Angie.

Awra hindi hitsura ang pambenta

Hindi pa man nagsisimula si Liza Soberano sa kanyang pagganap bilang makabagong Darna na nakatakdang idirek ni Erik Matti for Star Cinema and Reality Entertainment ay naunahan na siya ni McNeal “Awra” Briguela sa pagganap bilang isang super hero bilang si Amazing Ving na mapapanood sa Wansapanataym Presents… sa dara­ting na Linggo ng gabi, July 23.

Tatlong taong gulang pa lamang si Awra ay mahilig na itong manggaya sa kanyang mga paboritong female idols tulad nina Sarah Geronimo, Maja Salvador, at Sarah Lahbati.

Hindi man guwapo at cute si Awra, nakakaaliw naman siyang panoorin kaya marami ang natutuwa sa kanya.

Fans dismayado sa hindi pagkakasali ni Julia sa Panday

Napakasuwerte ng dalaga ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Mariel de Leon dahil bukod sa ito ang napiling kumatawan sa Pilipinas sa Miss International beauty pageant in November this year, siya rin ang na-single out ni Coco Martin para makapareha sa kanyang debut movie as actor-director-producer, ang movie remake ng Ang Panday na katha ng veteran writer-director na si Direk Carlo J. Caparas.

Hindi maikakaila na marami rin ang umasa na sana’y ang rumored sweetheart ni Coco na si Julia Montes ang kunin nitong kapareha pero hindi ito nangyari.

Marami naman ang bumilib kay Coco dahil siya ang nakauna kay Mariel bilang leading lady considering na hindi pa ito nakakapag-represent sa Pilipinas sa Miss International competition.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with