^

PSN Showbiz

Shaina give up na sa showbiz, tututok na lang sa itinayong foundation

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Muntik na raw iwanan noon ni Shaina Magdayao ang pag-aartista. Binalak ng aktres na magmadre apat na taon na ang nakalilipas.

“Kasi parang feeling ko may calling ako to serve. And at that time, malapit kasi ako sa mga madre, and hanggang ngayon naman, malapit ako sa mga madre,” bungad ni Shaina.

Aminado ang dalaga na hindi rin niya kayang iwan ang pag-arte noon kaya hindi natuloy ang kanyang pagmamadre. “Ilang beses ko nang sinabi na ayoko nang mag-showbiz or magku-quit na ako, magmamadre na lang ako, wala eh. Laging may trabaho,” giit ni Shaina.

Hindi man natuloy ang bokas­yon ng dalaga na magmadre ay isang foundation na tinawag na Smile Cares nang itinayo at bubuksan ngayong araw ni Shaina. “Ngayon, I realized na you don’t really have to be (madre), to serve. So ‘yon ‘yung pinagkakaabalahan ko ngayon. We franchised this after school program from the States. After school program siya but we have partner schools here, mga private schools,” pagbabahagi ng aktres.

Dahil sa pagkakaroon ng sariling foundation ay mukhang matutuloy na ang pagreretiro ng dating child star sa show business. “Eh kasi gumi-give up ‘yung katawan ko talaga ngayon eh. I just want to take care of my body better. Kasi hindi naman ako gano’n ka-conscious ever since eh. Pero ngayon dahil nagkakasakit ako, mas nagiging conscious ako. Conscious ako sa finances ko and sa investment ko and alam n’yo naman na into business talaga ‘yung family ko. And siguro, ang laking tulong na I feel useful na maski hindi ako nag-aartista, parang feeling ko through the foundation, I’ll be able to serve also. Well, I’m under contract (with ABS-CBN), I have one more year, but that’s one more year. Let’s see what will happen after,” makahulugang pahayag ni Shaina.

Ronnie itinanggi si Loisa

Napababalitang nililigawan diumano ni Ronnie Alonte si Loisa Andalio ngayon. Kahit nauugnay ang dalawa ay hindi naman daw totoong nagpaparamdam ng pag-ibig ang Hashtags member sa aktres.

“Siguro po nahihilera lang po sa love team na pinaparehas sa akin ng mga fans. May fan base rin po kasi kaming dalawa,” paglilinaw ni Ronnie.

Bukod kay Loisa ay patuloy pa ring iniuugnay ang baguhang aktor kina Julia Barretto at Sue Ramirez. “Wala talaga, magkaibigan lang talaga. Bale close sila ng kapatid kong babae at lahat naman ay kaibigan ko,” giit ng binata.

Walang karelasyon ngayon si Ronnie at nai-enjoy niya ang pagiging single. “Gusto ko ma­ging okay ako at ayaw ko nang bigyan ng stress ang pamilya ko, at mabuhay ko ang pamilya naman, at maging maganda ang kalabasan hanggang dulo,” pagtatapos ni Ronnie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with