^

PSN Showbiz

Pia sasabayan ang Darna!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Wala naman palang dapat ipagtampo ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach dahil kung hindi man siya pinalad na makuha ang role ni Darna na napunta kay Liza Soberano, isa pa rin superhero ang role niya sa gagawing pelikula sa Star Magic at posibleng ipasok bilang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan.

Nag-storycon na ang pelikula kung saan ay m­aka­kasama niya ang dalawa sa pinakasikat na artista ng Kapamilya na sina Vice Ganda at Daniel Padilla. Hindi si Pia ang pinaka-excited sa paggawa niya ng pinakamalaking break sa movie kundi ang dalawa niyang kasamahang lalaki, lalo na si Vice na binigyan siya ng assurance na aalagaan at susuportahan.

Walang pangingimi namang sinabi ng beauty queen na kinakailangan niyang sumabak sa acting workshops para mapaganda ang kanyang role. May balak din ang Star Cinema na i-guest sa movie si Kathryn Bernardo. Kapag nagkataon, isang malaking pelikula na dapat katakutan sa takilya ang magagawa ng hanggang ngayon ay iti­nuturing pa ring Miss Universe ng mga Pilipino kahit mayroon na siyang kapalit.

Awra ipinagyabang na  ang napanalunang bahay

Natanggap na ni Awra Briguela ang house & lot na napanalunan niya nang mag-kampeyon sa Your Face Sounds Familiar Kids.

Mas malaki ang lupa nito kaysa sa mga karaniwang nabibili sa mga subdivision at may mga kasangkapan na.

Ngayon pa lamang ay feel na ng batang artista ang kaginhawahan na naibibigay sa kanya ng kanyang pag-aartista. Napapanood pa rin siya sa kasalukuyan sa Ang Probinsyano na ‘di tulad ni Xymon ‘Onyok’ Pineda na nawala sa serye. Ito’y sa kadahilanang bumalik daw sa kanyang pag-aaral ang bata at pinaghahandaan ang role ni Ding sa Darna na hindi na raw niya makukuha dahil ibibigay pala sa iba. Totoo ba ito?

Charice malayo ang kapalaran kay Aiza

Kung si Xyrus Jake (Charice) ay walang lovelife, punum-puno naman ng pag-ibig ang pagsasama nina Aiza Seguerra at Liza Diño na natanggap na ng lahat bilang mag-asawa.

Maganda ang pagsasama ng dalawa na parehong nabiyayaan ng magandang trabaho ni Pangulong Rody Duterte. Si Aiza bilang chair ng National Youth Commission (NYC) at miyembro ng appeals committee ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at si Liza bilang chair and CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

May proyekto ang FDCP na magaganap sa August 16-22. Ito ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na isang pagdiriwang ng mga pelikulang Pilipino. Bagaman at sinabi ni chair Liza na hindi isang kumpetisyon ang isang linggong Pista, magkakaroon pa rin ng awards night kung saan ang mga manonood ang pipili ng mga natatanging pelikula, artista, at manggagawa ng pelikula ng mananalo.

Coco makikipagtapatan sa mga batikang direktor

Mukhang na-challenge ang MMFF dahil ganito kaaga ay meron na silang listahan ng mga pelikula na puwdeng makapasok sa Top 8 nasabing filmfest. At huwag mo silang basta-bastahin dahil mga ma­ga­­galing at malalaking pangalan na mga direktor ang gumawa at gagawa ng mga pelikula na nagtatampok sa malala­king artista sa bansa.

Talagang nagpapakitang-gilas ang mga produk­syon na sumasali at ayaw magpakabog sa isa’t isa. Masaya ang mga taga-MMFF dahil sinisiguro nila na hindi na mauulit ang hindi magandang pangyayari na naganap sa kanila last year. 

Napakatapang ni Coco Martin para isabak ang Ang Panday na siya ang artista at direktor sa mga entry nina Mike de Leon (Citizen Jake), Joyce Bernal (Super Heroes), Erik Matti (Buy Bust), Chito Roño (Bagtik). May ginagawa pa rin sina Paul Soriano, Dan Villegas, Perci Intalan at mga pelikula para kina Lorna Tolentino, Janella Salvador at Elmo Magalona, Elisse Joson at McCoy de Leon, Judy Ann Santos, Vic Sotto, Jennylyn Mercado, at Jericho Rosales.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with