^

PSN Showbiz

Regine may paandar sa kanyang 30 years sa showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pumirma kahapon ng kontrata si Regine Velasquez sa Viva Records at Viva Live para sa album at concert niya na ipo-produce ni Boss Vic del Rosario.

Magse-celebrate si Regine ng 30th anniversary niya sa showbiz sa pamamagitan ng R30, ang kanyang solo major concert sa Mall of Asia Arena sa October 21, 2017.

Maglalabas din si Regine ng bagong album na may thirty songs bilang tatlong dekada na siya sa entertainment industry na naging kind sa kanya.

Magaganda at malalaki ang plano ni Boss Vic para sa 30th anniversary ni Regine. Sa mga hindi nakakaalam, si Boss Vic ang nagbigay kay Regine ng malaking break sa pelikula. Siya ang nakakita sa potensyal ni Regine bilang aktres.

Hindi nagkamali ng pulso si Boss Vic dahil blockbuster ang lahat ng movie projects ni Regine sa Viva.

Excited si Regine sa bagong collaboration nila ng Viva dahil five years ago pa ang last album niya.

Hindi stressful ang recording ni Regine dahil  may recording studio sa bahay nila ni Ogie Alcasid kaya hindi na kailangan na umalis pa siya sa kanilang tahanan.

Twenty five songs na lang ang bubunuin ni Regine dahil limang kanta na ang na-record niya.

Ire-release ng Viva Records ang 30th anniversary album ni Regine bago idaos ang concert niya sa Mall of Asia Arena sa October 21.

Mabilis na natapos ang negosasyon sa pagitan nina Regine at Boss Vic dahil malaki ang tiwala nito sa singer-actress.

Ang sabi ni Boss Vic, pirma lang siya nang pirma ng tseke, no questions asked dahil sa trust niya kay Regine.

Ang sey ni Boss Vic, the greatest singer of all time si Regine at walang puwedeng kumontra dahil sa dami ng mga napatunayan ng misis ni Ogie sa music at movie industry.

Hindi pa napag- uusapan ang special guests ni Regine sa R3.0 pero magpapatawag naman ng presscon ang Viva para malaman ng fans ang kumpletong detalye.

Hanggang sa January 2018 pa ang kontrata ni Regine sa GMA 7. Walang bahid ng katotohanan ang tsismis na porke pumirma siya ng kontrata sa Viva, lilipat na si Regine sa ibang television network dahil para sa concert at album lang ang deal nila ni Boss Vic.

Sinabi ni Regine na happy siya sa GMA 7 at maganda ang relasyon nila sa isa’t isa.

Ang sey ni Regine, ang pagkanta ang priority niya ngayon kaya maligaya siya sa collaboration nila ni Boss Vic.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with