^

PSN Showbiz

Dra. Belo hindi pa sanay sa buhay may asawa

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi pa sanay si Dra. Vicki Belo sa pagtawag ng “my husband” kay Hayden Kho kaya naninibago pa siya. “Wifey” na ang pakilala ni Hayden kay Dra. Belo sa mga kaibigan niya bago pa sila nagpakasal sa alkalde ng Makati City noong nakaraang linggo.

SCENE: “Buti ka pa meron” ang sabi ni Paolo Ballesteros sa tomboy na ininterbyu niya kahapon sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga. Umamin ang tomboy na may girlfriend siya.

SEEN: Lungkot-lungkutan pa rin si Paolo Ballesteros dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Ronald Ochoa Anog na binigyan niya ng souvenir nang matapos ang kanilang relasyon.

SCENE: Bakasyon grande sa Hong Kong ang mga host at staff ng Eat Bulaga. Kasama sa Hong Kong vacation ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna na puwede pang magbiyahe, kahit buntis siya.

SEEN: Nag-celebrate ng 43rd birthday si Ruffa Gutierrez sa Siargao island, kasama ang kanyang boyfriend na si Jordan Mouyal. Noong June 24 ang actual birthday ni Ruffa.

SCENE: Ang reunion ng Seiko stars sa D’ Originals ng GMA 7, sina Jestoni Alarcon, Gardo Verzosa, at Diana Zubiri na former contract artists ng movie outfit ni Robbie Tan.

SEEN: Sa Linggo na ang boxing fight nina Senator Manny Pacquiao at Jeff Horn pero kulang pa sa ingay ang publicity ng engkuwentro nila sa July 2 sa Brisbane, Australia.

SCENE: Bitin ang swimsuit photos na inilabas ni Bea Binene dahil kung hindi cropped ang litrato, nakatago sa malalaking bato ang kalahati ng katawan niya nang magbakasyon siya sa Palawan.

SEEN: Ngayon ang grand presscon ng Bloody Crayons, ang horror suspense-thriller film ng Star Cinema. Mga bida sa Bloody Crayons sina Janella Salvador, Diego Loyzaga, Elmo Magalona, at Sofia Andres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with