^

PSN Showbiz

Female personality magaling sa gatasan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mautak ang isang female persona­lity na hindi na gaanong nakikita ngayon sa telebisyon dahil iginarahe na siya ng isang mayamang businessman. Unti-unti nang natutupad ng babaeng personalidad ang kanyang pangarap na maiahon sa kagipitan ang kanyang pamilya.

Pero marunong ang nagpapaseksing personalidad. Alam niya kasi ang nangyari sa ibang kasamahan niya na ginawang escabeche (read: kabit, keptwoman) ng mga D.O.M. pero nauwi rin sa wala ang pakikipagrelasyon sa mga ito.

Sabi ng aming source, “Ewan kung sino ang nagturo sa kanya, pero mautak ang isang ito. Hindi siya makikipaghiwalay sa mayamang businessman nang wala siyang napala.

“Kailangang makinabang siya sa pinagpaguran niya, kaya hindi siya pumapayag na wala sa name niya ang car at iba pang properties na ibinibigay sa kanya ng lalaki. Nagmamatigas siya, kailangang ganu’n, dahil may mga alam siyang iginarahe nang ilang taon pero nu’ng makipaghiwalay na sa ka-live-in nila, e, walang nadalang kahit ano.

“Di ba, friend niya ‘yung isang female personality na nu’ng hiwalayan ng D.O.M. niya, e, umuwi sa bahay nila nang luhaan? Wala man lang kasing kahit anong nakalagay sa name niya, kaya ayun, nganga ang girl!

“Ang isang ito, e, mautak. Kailangang nasa pangalan niya ang lahat. Bahay, kotse, mga alahas, nasa name niyang lahat ‘yun, kaya magkahiwalay man sila ng mayamang negosyante, e, panalo siya!” madiing kuwento ng aming source.

May basbas ng kanyang pamilya ang pagpapagarahe ng nagpapaseksing aktres na ito. Siya na kasi ang haligi ng kanilang pamilya, wala na silang ibang maaasahan, kaya kapit sa patalim ang pinasok ng aktres.

“Kesa nga naman sa magpalipat-lipat siya ng kandungan, e, pumayag na siyang magpagarahe sa milyonaryong businessman? Sunod ang layaw niya, ginagawa na lang niyang Quiapo ang Amerika, bitbit pa niya ang mommy at mga kapatid niya!

“At ginagamit talaga niya ang utak niya. Konting lambing lang sa kanyang azucarera de papa, may house and lot na siya! At again, nasa pangalan niya ‘yun, nasa kanya ang dokumento, kaya magkahiwalay man sila, e, may pakinabang siya!” kuwento pa ng aming impormante.

Kilala ng aming source kung sino ang unang nagpagawa ng bahay para sa sexy actress, pero hindi ‘yun natapos, dahil nahalata agad ng businessman na para itong inahing baka kung gatasan ng aktres.

Ubos!

Greta kailangang magpigil

Ang magkakapatid na Barretto ay isang malawak na dagat ng kontrobersiya. Kahit hindi na sila aktibo sa pag-arte ay buhay na buhay pa rin sila sa kamalayan ng publiko dahil sa mga kuwentong lumalabas tungkol sa kanila.

Hanggang ngayon ay magkaaway pa rin sina Gretchen at Claudine. Tahimik lang si Marjorie pero nakakaladkad pa rin ang pangalan nito sa kung anu-anong alingasngas.

Napakabenta pa naman sa merkado ng tsismis ng mga salitang pinakakawalan ni Gretchen. Sa gitna ng kanyang pananahimik, isang linya lang ang i-post niya sa social media ay nambubulabog na siya, talagang naaangkin niya ang mga pahina ng tabloids.

Nagpadalus-dalos na naman siya sa pagbibigay ng mga salita sa social media, pumatol siya sa kanyang pamangking si Claudia, samantalang wala namang masamang intensiyon ang bagets na saktan siya sa pahayag nito.

Ayan tuloy, ang kuwentong Marjorie-Mayor Recom Echiverri na para sa marami ay puro haka-haka lang ay nakumpirma, dahil sa sinabi ni Gretchen na ang dating mayor ng Caloocan ang nagpaaral kay Claudia.

Diretsong sinabi ni Gretchen na ingrata si Claudia dahil siya ang nagbigay ng bubong na masisilungan nu’n kina Dennis at Marjorie, nang magkaroon sila ng alitan ni Marj ay to the rescue naman si Claudine, hanggang sa pumasok na nga sa eksena si ex-Mayor Echiverri.

Humingi na ng pasensiya si Gretchen sa kanyang pamangkin na parang tunay na anak na rin daw kung ituring niya, pero ang nasabi ay nasabi na, kahit pa magpabaril tayo sa Luneta.

Huwag kasing nagpapadaya sa emosyon, lalong huwag magpapadala sa mga sulsol, dahil ang mga salitang nabitiwan na ay nakamarka na sa puso at isip ng pinatungkulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with