^

PSN Showbiz

Gretchen someone else para kay Claudia!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Speaking of tampo, mukhang may bagong tampuhan na naman sa pagitan ni Gretchen Barretto at ng kanyang pamangkin na si Claudia Barretto, nakababatang kapatid ni Julia Barretto at mga anak ng nakababatang kapatid ni Gretchen na si Marjorie Barretto dahil ni-refer umano ni Claudia ang kanyang Tita Gretchen as `someone else’ sa panayam sa kanya ng entertainment media sa launch ng kanyang Stay single under Universal Records.

May nagtanong kay Claudia tungkol sa pagkukumpara sa kanila ng kanyang Tita Gretchen na isa ring singer at nagkaroon din noon ng sariling album.

“I don’t mind. I mean it’s nice to know that someone else actually sings,”  bagay na nakarating kay Gretchen at hindi nito nagustuhan ang tugon ng teenager niyang pamangkin kaya agad itong nag-react sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

“The someone else (me) that Claudia is referring to happen to give her a safe home for a few good years until her Tita Claudine took over (put her to school), gave her a comfortable life.”

Para hindi na lumalala ang tampo o hinanakit ni Gretchen sa kanyang pamangkin na si Claudia ay kailangan niyang (Claudia) personal na mag-apologize sa kanyang tiyahin agad.

Direk Quark walang malay sa kasal ni Dr. Belo kay Hayden

May tampo nga ba kay Dra. Vicki Belo ang pangalawa niyang anak sa ex-husband na si Atom Henares, ang TV and film director na si Quark Henares dahil tila wala itong kaalam-alam sa ginawang civil wedding ng ina at partner nito of twelve years na si Dr. Hayden Kho noong nakaraang June 21 which was officiated by Makati Mayor Abby Binay?

Nalaman na lamang ni Direk Quark na ikinasal na sa civil rites ang kanyang ina at partner nitong si Dr. Hayden nang makatanggap siya ng tawag at text messages mula sa mga media writer inquiring about the civil wedding.  Nalaman naman ng media ang pagpapakasal nina Dra. Vicki at Dr. Hayden sa pamamagitan ng respective Instagram posts ng bagong kasal.  Dahil dito, nag-post sa kanyang Facebook account ang TV/movie director na tila patama sa kanyang celebrity mom doctor.  “Dear people with children. If you ever get married again, be sure to give the kids a heads up, lest they find out via reporters calling them in the middle of the night.”

Pero magtampo man si Direk Quark sa kanyang ina ay wala na rin siyang magagawa dahil kasal na ito kay Dr. Hayden.

Bukod sa civil wedding last June 21, ang church wedding nina Dra. Belo at Dr. Hayden ay gagapin  sa Paris, France sa buwan ng September.

Dumalo kaya si Direk Quark?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with