^

PSN Showbiz

Daniel nakahanay sa mga magagaling na aktor

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Daniel nakahanay sa mga magagaling na aktor

Daniel

Bagama’t mas gusto pa rin ni Daniel Padilla na kumikita ang kanyang mga pelikula, nagpasalamat naman siya at nominado siyang best actor sa gagana­ping kauna-unahang The Eddys Awards ng Society of Entertainment Editors of the Phillippines (SPEED) na si Isah Red, entertainment and lifestyle editor ng Manila Standard ang presidente.

Nominated si Daniel para sa pelikulang Barcelona na ipinalabas noong nakaraang taon.

Lima silang maglalaban-laban sa Best Actor category - Best actor : Daniel Padilla (Barcelona: A Love Untold); Paolo Ballesteros (Die Beautiful); Enzo Marcos (Saving Sally); Dingdong Dantes (The Unmarried Wife) and Ronwaldo Martin (Pamilya Ordinaryo).

Magaganap ang awards night ng The Eddys sa July 9 sa KIA Theater.

Abangan natin kung sino sa kanilang lima ang magwawagi.

Pawang magagaling ang limang actor kaya tiyak na deserving ang kung sino man ang ma­nanalo.

Cong. Alfred

Cong. Alfred ang bilis hingan ng tulong

Ang bilis hingan ng tulong ni Cong. Alfred Vargas. Isang text lang ay agad niyang pinagbigyan ang request namin para sa isa naming kasambahay na inoperahan sa East Avenue Medical Center. May mga nakalaang budget ang mga congressman sa mga public hospital.

Eh ganun pala sa East Avenue bago operahan ang pasyante kung hindi naman urgent ay maghihintay ka, hindi lang araw kundi mahigit isang linggo kang nganga sa loob ng pagamutan habang nagdarasal na sana ay makaraos na ang pasyente.

At ganyan ang nangyari sa kasambahay namin. As in naka-dextrose na siya ng ilang araw at nakasuot na rin ng hospital gown at waiting na sa operating room pero pag umabot ng cut off, wait na naman siya.

‘Yung iba nga raw dung pasyante, dalawang linggo nang naka-admit pero hindi mabigyan ng schedule ng operation.

So talagang hindi na kailangang makita, kuwento pa lang alam mo na ang kalagayan ng mga pasyente sa nasabing pagamutan. Kawawang-kawawa.

Ang Department of Help ang may hawak ng nasabing hospital.

Anyway, thanks again Cong. Alfred.

Shara

Niloko ni Jovit puwedeng pang-PBB

Uy maganda pala ‘yung ex ng singer na si Jovit Baldivino na si Shara Chavez.

Hindi mo nga aakalaing mababaliw siya kay Jovit na ang liit lang naman at hindi kaguwapuhan. Hihihi. Hindi rin naman exceptional ang pagiging singer.

Kaya nakakatakang niloko pa si Shara ni Jovit, pinagpalit sa ibang babae, base sa kanyang mga kumpisal sa social media at sa guesting nito sa show ni Tito Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda last Friday night.

Dumating na raw sa sukdulan ang ginawa ng singer sa kanya pero hindi man lang daw ito nag-sorry. Kaya hiniwalayan na niya.

Kinumpirma rin nitong nagsusugal nga si Jovit.

Wow parang ang pogi ni Jovit noh. Eh si Shara papasang housemate ng Pinoy Big Brother.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with