^

PSN Showbiz

Heart susubukan ang friendship nina Solenn at Rhian, Ruru at Phytos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Susubukin ni Heart Evangelista-Escudero ang tatag ng pagkakaibigan nina Taste Buddies Solenn Heussaff at Rhian Ramos; at ng mga makikisig na Encantadia heartthrobs na sina Ruru Madrid at Phytos Ramirez ngayong Linggo (June 18) sa Follow Your Heart.

Sa “Duck Capital of the Philippines” sa Victoria, Laguna masusubukan ang friendship nila. Egg-ci­ting ang kanilang magiging challenge kasama ang kanilang host families na nagtatrabaho sa itikan at itlugan farm. 

Sina Solenn at Rhian masusubukang mangu­ha ng itlog at magpakain ng itik. Ano kaya ang dis­kar­  teng gagawin nila para mahuli ang mga nakawalang itik habang sila’y nagpapakain?

Samantala, bago pa mapakain nina Ruru at Phytos ang kanilang alagang mga itik, kailangan pa nilang manguha ng suso sa Laguna de bay. Kaila­ngan din nilang mag ag-ag o mag-alis ng dumi sa suso bago ito ipakain sa mga itik. May nadiskubre pa ang Encantadia boys na dance moves para magawa ito, ano kayang kembot ang gagawin nila? 

Bawat trabahador daw sa itikan ay may toka na gawain. Kakayanin kaya ni Heart ang challenge para sa kanya ngayong linggo? 

Bukod sa trabaho, susugod din sa bahay ng ka­ni­lang host families ang mga magkakaibigan. Kailangan pa rin nilang galingan sa gawaing-bahay. Pero ang matinding labanan ay ang paghaharap nila sa fun games para manalo ng P50,000. 

Huwag palalampasin ang ultimate test ng relationship goals—Follow Your Heart, tuwing Linggo, 5 p.m. sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with