PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Paa ni Luis tinutusukan ng karayom para gumaling agad

Luis Manzano

Sharon hindi napipigilan ang senyales ng pagkakaedad!; Child actor magiging tatay na!

SEEN: Natapos na kahapon ang panunungkulan ni Cloie Syquia bilang Miss Earth Sweden 2016 kaya pinasasalamatan niya ang lahat ng mga sumuporta sa kanyang reign. Talunan si Cloie sa Miss Earth 2016 na ginanap sa Pilipinas noong October 29, 2016.

SCENE: Acupuncture ang alternative treatment kay Luis Manzano para sa fractured foot niya.

SEEN: Mapapanood sa nationwide cinemas ang mga pelikula na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Idaraos ang Pista ng Pelikulang Pilipino sa August 16 hanggang August 22, 2017.

SCENE: Gimik man o hindi, wala nang naniniwala sa sapakan kahapon nina Baron Geisler at Kiko Matos sa presscon ng Universal Reality Combat Championship (URCC) dahil naisahan na nila noon ang publiko. Gagawin nina Baron at Kiko ang lahat para mapag-usapan sila. 

SEEN: Kailangan ni Baron Geisler na gumimik para mapag-usapan siya dahil nami-miss niya ang limelight. Matagal nang jobless si Baron dahil tinatanggihan siya na makatrabaho ng mga kapwa artista na suko na sa pagkabarumbado niya.

SCENE: Si Erik Matti ang producer ng Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz at may kinalaman siya sa pagpili kay Jim Paredes na gumanap na pari sa pelikula na tinatampukan nina Shy Carlos, Julian Trono, at Sarah Lahbati. Magkasundo sina Matti at Paredes dahil pareho sila na haters at bashers ni President Rodrigo Duterte.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN: Pinanindigan ni Sharon Cuneta ang pagiging crying coach ng The Voice Teens dahil iniiyakan niya ang mga madamdamin na pag-awit ng mga contestant sa Battle Round. Sign ng pagkakaedad ang ipinakikita ni Sharon na emosyon sa national television.

SCENE: May imahe ni Senator Manny Pacquiao ang one-of-a-kind boxing shoes na ginagamit sa kanyang training para sa sagupaan nila sa July 2 ng Australian boxer na si Jeff Horn.

SEEN: Babae ang sanggol na ipinagbubuntis ni Angillyn Gorens, ang American girlfriend ng former child actor na si Buboy Villar. Walang nagawa ang mga humadlang sa relasyon nina Buboy at Angillyn dahil umaapaw ang pagmamahal nila para sa isa’t isa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: