^

PSN Showbiz

Sharon nakalimutan na agad si Kuya Germs

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Sharon nakalimutan  na agad si Kuya Germs

Sharon Cuneta

SEEN: Nakalimutan ni Sharon Cuneta na banggitin ang pangalan ni German Moreno nang sabihin niya ang kalungkutan na nararamdaman dahil sa pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay.

SCENE: Tagumpay ang grand launch ng www.pinas.com sa Hong Kong noong Linggo. Si Erik Santos ang poster boy ng website para sa mga OFW na nais na magpadala ng regalo at pera sa kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas.

SEEN: Si Roxanne Barcelo ang cover girl ng June 2017 issue ng isang magazine for men. Matagal na pinangarap ni Roxanne na maging cover girl ng men’s magazine.

SCENE: Walang naniwala sa denial ni Kris Bernal na sumailalim ito sa breast augmentation procedure kaya lumaki ang dibdib niya. Umarko lang ang kilay ng bashers ni Kris sa depensa nito na lumaki ang boobs niya dahil sa paggamit ng push up bra.

SEEN: Naartehan at nainis kay Alex Gonzaga ang viewers ng I Can Do That noong Linggo dahil sa mga annoying drama niya.

SCENE:  Ang comedian na si Wacky Kiray ang grand champion ng I Can Do That ng ABS-CBN. Ibinahagi ni Wacky Kiray sa kanyang kaibigan na si Vice Ganda ang tagumpay niya.

SEEN: Artista na rin si Kirst Viray, ang “boyfriend” ni Kiray Celis. Si Kirst ang driver ni Charee Pineda sa Mulawin vs. Ravena ng GMA 7.

SEEN: Annoying ang karakter ni Joey Paras sa Mulawin vs. Ravena. Hindi magandang ehemplo sa mga bata ang paulit-ulit na pagsasalita ni Joey bilang Dakdak, ang madaldal na Mulawin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with