^

PSN Showbiz

John Lloyd nanibago sa ginagawa nila ni Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd nanibago sa ginagawa nila ni Sarah

John Lloyd Cruz

Sinimulan na ang shooting ng pelikula na muling pagtatambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Ibang-iba raw ang tema ng bagong proyekto kumpara sa mga nagawa na ng dalawa noon. Matatandaang pumatok ang tambalan nina Sarah at John Lloyd sa pelikulang A Very Special Love noong 2008, You Changed My Life noong 2009 at It Takes A Man and A Woman noong 2013.

“Nakakapanibago siya, bago para sa amin ni Sarah and bagong direktor pero iyon naman ang dahilan natin. Hindi naman pwede lahat na lang nakasanayan na lang natin,” bungad ni John Lloyd.

Bukod sa bagong pelikula ay abala rin ang aktor at Popstar Princess sa kanya-kanyang ibang trabaho kaya hindi pa nagkakaroon ng panahon upang makapag-bonding ang dalawa.

“Nakikita ko lang siya kapag may shooting. Nakikita ko siya kapag nagpe-perform siya pero sa personal I’m still guessing. It’s been a while since huling nagsama kami medyo nagkakapaan pa ulit,” pagtatapat ni John Lloyd.

Samantala, kabilang din ang aktor sa teleseryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kasama rin sa bagong serye si Angel Locsin. Masayang-masaya si John Lloyd dahil muli silang nagkasama ni Angel sa isang serye. “Abangan n’yo kasi binigyan ng bagong timpla from Lobo to Imortal. Excited ako sa programang ito, ‘yung ngayon mas naka-focus doon sa dalawa (Kathryn at Daniel),” giit ng aktor. Ayon pa kay John Lloyd ay hindi na niya naramdaman ang matin­ding sikat ng araw habang kinukunan ang ilang eksena para sa serye. “With so much heart! Exciting ito, abangan n’yo,” pagtatapos niya.

Break muna sa serye Nadine nag-e-enjoy sa hosting

Ilang linggo na nating napapanood sa It’s Showtime bilang host sina Nadine Lustre at James Reid. Sa ngayon ay sa noon time na muna mapapanood ang magkasintahan dahil wala pa silang ginagawa na bagong teleserye.

“For now, wala muna pong serye kasi marami pa po kaming pinagpe-prepare-an. May movie, may album. Jampacked na po kami ngayon. So break po muna sa teleserye,” pagbabahagi ni Nadine.

Aminado naman ang aktres na malaki ang naitutulong sa kanila ni James sa pagiging hosts dahil nahahasa ang kanilang hosting skills sa nasabing programa.

“So let’s do something light naman. Morning shows muna tayo, mag-‘Showtime’ and hosting, sobrang saya. Ang ganda niyang balance sa trabaho namin from before,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Masayang-masaya si Nadine dahil mainit ang pagtanggap sa kanila ni James ng buong pamilya ng ‘It’s Showtime’. “Very welcoming sila. Super enjoy po talaga sila. Sobrang saya, walang tigil kakatawa,” pagtatapos ng aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with