^

PSN Showbiz

Pagpuri sa ugali ni Heart kinagalit ng fans!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pagpuri sa ugali ni Heart kinagalit ng fans!

Heart Evangelista

Nakaka-hurt naman ang mga bashing kay Heart Evangelista dahil sa Instagram post ko sa kanya. Hindi ko ine-expect na may mga magagalit at mag-e-emote nang todo dahil sa mga statement ko tungkol sa kagandahan ng ugali ni Heart na nakilala ko nang husto nang maging co-host namin siya sa Startalk.

Para sa mga clueless, ito ang exact caption ko sa picture ni Heart na may-I-share ko sa Instagram account ko na umani ng mga nega comment.

“Dami request sa akin mag-post about Heart Evangelista dahil nakasama ko naman daw sa trabaho.  Oo nga pala, gaya ni Marian (Rivera), palagay ko medyo di rin naiintindihan ng iba si Heart.

“Sabi nila maarte, aloof, mahilig magpasosyal pero sa totoo lang masarap siya kasama sa trabaho. Hindi maarte, hindi mareklamo, very generous din sa staff.

“Kung minsan, ‘yung mga away-away ng fans, hindi ko maintindihan kasi in fairness  kapag kausap ko si Heart, wala siyang sinasabi against Marian.

“Si Marian din, wala naman sinasabi about Heart. Siguro nagugulo lang sa mga parating ng iba but one day, sure ako they will end up as friends. Prayer ko iyan for this two lovely ladies.”

So, ‘yun na nga, naging biktima si Heart ng bashing dahil sa mga isinulat ko tungkol sa kanya na totoo naman. Katotohanan lang naman ang mga sinabi ko at kung hindi ma-take ng anti-Hearts, wala na akong magagawa. Basta para sa akin, pareho sila ni Marian na mga mabubuting tao.

Jolina gustung-gustong mabuntis

Nag-renew kahapon ng kontrata sa Megasoft Hygienic Products Inc. ang Escueta family, si Jolina Magdangal, ang kanyang mister na si Mark Escueta at ang anak nila na si Pele.

Ang Megasoft Hygienic Inc., ang manufacturer ng Baby Pants Easy Wear Diapers na ini-endorso ng mag-anak mula pa noong baby pa lang si Pele. Ngayon, three and a half years old na ang unico hijo nina Jolina at Mark.

Number one fan ni Jolina si Aileen Go, ang Vice President ng Megasoft Hygienic Inc. at idea niya na kunin ang Escueta fami­ly bilang mga endorser ng unique na baby pants diapers.

Hindi nagkakalayo ang mga edad nina Jolina at Aileen. Si Jolina ang idol ni Aileen noong mga bagets pa sila at ngayon, friends na ang dalawa.

Maaga na dumating kahapon sa contract renewal ang mag-amang Mark at Pele kaya na-witness ko ang sobrang closeness nila.

Hands on parents sina Mark at Jolina na hindi nag-hire ng yaya para kay Pele dahil napagkasunduan nila na halinhinan sila na mag-aalaga sa bagets.

Effective ang ginawa ng mag-dyowa dahil napakabait na bata ni Pele. Hindi siya pasaway at malikot habang nagaganap ang question and answer portion. Agaw-eksena ang thumbs up niya sa photo up nila ng kanyang mga magulang at ni Aileen.

Sana, tularan sina Jolina at Mark ng ibang mga mag-asawa na kulang ang kaalaman sa wastong pagpapalaki at pag-aaruga sa kanilang mga anak.

Malaking pamilya ang pangarap nina Jolina at Mark. Kung sila ang masusunod, gusto nila na magkaroon ng limang anak dahil para sa kanila, the more, the merrier.

Gustung-gusto na ni Jolina na magbuntis ngayong 2017. Gusto nila ni Mark na mabigyan na ng playmate si Pele.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with