^

PSN Showbiz

Kathryn chief operating officer na agad!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pinasok na ni Kathryn Bernardo ang pagnenegosyo. Mata­tagpuan sa 5th floor ng The Block sa SM ang KathNails by KCMB.

Ayon kay Kathryn ay ilang taon na ang nakalilipas nang planuhin nila ng inang si Min Bernardo ang pagkakaroon ng sariling nail salon. “Hindi namin ini-expect na magagawa siya this year. Until sinabi ni Mama no’ng nagsu-shooting kami ng Can’t Help Falling In Love na nakahanap siya ng magandang place,” nakangiting bungad ni Kathryn.

Masayang-masaya ngayon si Kathryn dahil natupad na ang isa sa kanyang mga pangarap na makapagnegosyo. “Ito ‘yung project na naging hands-on kaming lahat dahil ako rin mahilig ako magpa-nails (ser­vice),” giit ni Kathryn.

Para raw talaga sa ina ng aktres ang KathNails na magsisilbing investment ng kanilang pamilya. “Actually more on kay mama ito. More on gift ko sa kanya. Gusto ko meron siyang gawin na business muna, mag-start hanggang sa may gagawin siya with my sisters. More on si mama ang magiging hands-on dito. Ako magche-check lang kung ano ang mga gagamitin nila,” pagbabahagi ng aktres.

Si Kathryn din mismo ang tumatayong Chief Operating Officer ng kanyang negosyo. Kung papalarin ay gusto raw magbukas o magdagdag ng branches ang KathNails. “Ang cool niya! Sabi ko, ‘Wow! Astig!’ pero marami pa akong kailangan alamin tungkol dito,” pagtatapos ng dalaga.

Maja mas totodo sa paglalandi

Masayang-masaya si Maja Salvador dahil sa pamamayagpag sa ratings ng te­leseryeng Wildflower. Pinaghahandaan na ngayon ng nasabing programa ang kanilang season 2. “We are very happy na pa-season 2 na kami at sobrang ang daming nagmamahal ng ‘Wildflower.’ Very proud ako sa show dahil bawat artistang gumaganap sa kanilang characters ay talagang walang iwanan. Lahat kami todo-bigay kasi lahat kami iisa ang gustong mangyari. Ang mapaganda ‘yung show, ang makapagbigay ng magandang show. And ‘di ba binigyan kami ng isang magandang time slot. So talagang buhos lahat ng kayang ibigay,” pahayag ni Maja.

Malaki rin ang pasasalamat ng aktres sa kanilang writers dahil sa pagbibigay ng magandang takbo ng istorya para sa serye. “Hanggang maaari gusto naming magbigay ng kakaibang kwento. So ‘yung mga twists and revelations pa na maski kaming mga artista nagugulat. Nakakatuwa na ang galing ng writers namin at mga creative team namin dahil todo, ang wild din nila mag-isip,” dagdag ng dalaga.

Mas kaabang-abang ang bawat eksena sa season 2 at mas maraming sexy scenes daw ang matutunghayan ng mga manonood dito. “’Yung love story namin magiging hotter and wilder, na ‘yung wildest na pwedeng ipakita ng boys makikita n’yo sa season 2,” pagbabahagi ni Maja.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with