^

PSN Showbiz

Sarah tamang inayawan ang Darna!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukhang gagawing mas sexy si Liza Soberano sa pagganap niya ng Darna. May mga fanfic photo kasing naglabasan si Liza na naka-Darna, pero hindi tulad ng mga naunang costume.

Parang bikini ang bagong costume na labas ang tiyan at hita.

Tama lang pala si Sarah Geronimo na tumangging gumanap ng Darna. Hindi niya kakayanin ang bagong hitsura nito. Sa puntong ito, maaaring sabihin na pinakamagandang Darna si Liza, pero hintayin na lamang natin kung magi­ging pinakamagaling din siya at kung siya na ba talaga.

Bamboo lapitin ng mga gustong matutong kumanta

Sayang at madaling kumawala si Bamboo sa kanyang grupong Rivermaya. Maaaring mas sikat ngayon ang grupo na kinabibilangan ni Mark Escueta, asawa ni Jolina Magdangal. Pero maaaring hindi pa rin tinatamasa ng isa sa apat na coach ng The Voice ang kasikatan na ini-enjoy niya ngayon bilang isang solo performer.

Ang ganda-ganda nga ng stint niya sa The Voice bilang the only thorn among the roses at hindi man siya makasabay sa kakulitan nina Lea Salonga, Sharon Cuneta, at Sarah Geronimo, kinikilala ang kahusayan niyang mag-mentor sa mga gustong kumanta maski na sa likod ng The Voice.

Sinabi niyang marami ang lumalapit sa kanya para humingi ng payo dahil gusto nilang maging singer o kung hindi man ay magpaturong kumanta. Mabait naman at hindi nagkakait ng kanyang tulong at kaalaman ang sikat na rock star na nagpapasa­lamat dahil sa pagkakasali niya sa The Voice ay nawala ang pagiging aloof at mahiyain niya.

Nakapag-prodyus na siya ng champions sa The Voice.

Direk Gil nakaka-proud

My condolences sa pamilya at kaanak ng namayapang si Gil Portes na gumawa ng maraming magagandang pelikula at isa sa nagtaguyod ng indie films.

Isang dating kamag-aral ang na­ma­­­yapang direktor sa College of Phi­losophy and Letters ng UST na na­ka­ka-proud dahil sa ipinamalas ni­yang kaga­lingan sa kanyang napi­ling propesyon. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa, direk.

KAPPT nabubuhay na

Mukhang dumarami na ang mga artistang gustong makilahok sa mga pro­yekto ng Actors Guild of the Phi­lippines o Katipunan ng mga Ar­­tistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) sa pamumuno ng bagong pangulo nito na si Imelda Papin. Sa ikalawang pamiting nito ay higit na marami ang dumating, gaya nina Rez Cortez at Ricardo Cepeda na kabilang sa mga nahalal na opisyal, pero hindi nakadalo sa unang pami­ting.

Nakita rin si Kiray Celis at bagaman at wala si Robin Padilla ay nagpasabi ito na makikilahok siya at ang grupo niya sa Star Olympics at iba pang sports activities ng Guild.

Humahaba na rin ang listahan ng mga artista na nagbu-volunteer ng kanilang talent para sa gaganaping unang fundraising ng mga artista, ang Stars For A Cause na magaganap sa Skydome ng SM North EDSA sa June 3. Pamumunuan itong muli nina Imelda Papin, Claire dela Fuente, Victor Wood, Eva Eugenio, Marco  Sison, Patricia Javier, Keanna Reeves, Darius Razon, John Nite, Emma Cordero, Aileen Papin, Garry Cruz at marami pa. 

Bhoy Intsik bukas na sa Fisher Mall

Bukas na, May 28, mapapanood ang special screening ng PMPC sa Sinag Maynila Box Office Awardee na Bhoy Intsik sa Fisher Mall Cinema. May dalawang screening na magaganap -- Regular Screening sa ganap na 4:00 p.m. at 6:00 p.m. ang Celebrity Screening.  

Ang Bhoy Intsik ay mula sa Frontrow Entertainment sa direksyon ng award-winning director Joel Lamangan.

Gumaganap sa pelikula sina Raymond RS Francisco at Ronwaldo Martin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with