^

PSN Showbiz

Beteranang aktres nagwala nang malamang titigbakin ang serye!, Para matapos ang selosan, Andrea ipapasok daw sa show ni Marian

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa June 5 pa pala ang balik ni Eugene Domingo mula sa ilang linggong bakasyon sa Italy kasama ang kanyang boyfriend. Pag-uwi ay sasa­lang na agad siya sa nagbabalik na Celebrity Bluff na magsisimula na sa June 3 pagkatapos ng Magpakailanman.

Ang guesting daw ni Jennylyn Mercado ang kaabang-abang sa pilot episode dahil ang saya ng mga hirit ni Edu Manzano bilang bluffer kasama sina Boobay at Brod Pete.

Ka-partner ni Jennylyn si Sheena Halili dahil nagpu-promote sila ng My Love From The Star na magsisimula na rin sa May 29.

Kalaban nila rito ang sikat ding “magkalaban” sa Ika-6 na Utos na sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon. Kasama rin dito sina Rochelle Pangilinan at Andrea Torres.

PAK: Matatapos na pala ang isang serye na ilang linggo pa lang sa ere. Naloka nga raw ang staff ng seryeng ito nang pinagpupunit ng magaling at premyadong aktres ang script sa harap nila.

Nairita raw ang aktres nang ibinalita sa kanya na tatapusin na ang kanilang serye.

Sabi raw ng aktres, committed daw ang production na 13 weeks ang ere, pero bakit naging 8 weeks na lang daw ito.

Tipong nag-dialogue pa ang aktres ng, “Akala nyo ba raket lang ito?!”

Natulala raw ang staff dahil hindi nila alam kung paano maipaliliwanag sa aktres na hindi maganda ang rating ng kanilang show.

Ilang beses namin itong nasilip at hindi talaga kami naaliw sa serye, na nahahalata pa naming ini-stretch sa isang episode ang iisang eksena lang. Sa halip na maaliw ka ay mayayamot ka lang!

BOOM: Sobrang na-miss yata ng fans si Marian Rivera kaya ang ganda ng rating ng pilot episode ng OFW-themed anthology niyang Tadhana.

Maganda naman kasi ang unang episode nito na pinagbidahan ni Kris Bernal. Kaya nakakuha ito ng 6.9 percent sa NUTAM survey ng AGB Neilsen.

Ang dinig namin, may binubuo rin na episode ang Tadhana tampok naman si Andrea Torres, para matapos na ang isyu nila ni Marian.

Kailan nga rin ba ang inaabangang production number nina Marian at Andrea sa Sunday PinaSaya?

Narinig na namin noon na sasayaw si Andrea sa PinaSaya ka-back-to-back si Marian.

Bongga ‘yan! Ituloy na yan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with