^

PSN Showbiz

Coco at Vice tuloy ang salpukan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Napakalaki ng naitulong ng seryeng Ang Pro­binsyano hindi lamang kay Arjo Atayde na pinatay na ang karakter kundi maging kina Bela Padilla, Yassi Pressman, at child actors na sina McNeal `Awra’ Briguela at Simon `Onyok’ Pineda.

Matapos mapabilang si Bela sa action/drama TV series ni Coco ay na-elevate siya sa lead roles at kasama na rito ang ser­yeng My Dear Heart kung saan niya katambal si Zanjoe Marudo.  Maging si Yassi ay sikat na sikat na ngayon at kabi-kabila ang kanyang product endorsements at may bago siyang movie na gagawin sa bakuran ng Viva Films, ang Ang Pambansang Third Wheel. Katambal niya rito si Sam Milby kasama ang childstar na si Alonzo Muhlach.

Dahil sa sobrang sikat ngayon ni Coco, kaya na kaya niyang talunin sa takilya ang pelikula ng kaibigan niyang si Vice Ganda?

Ang pinagsamahang dalawang magkasunod na pelikula na Beauty and the Bestie at Super Parental Guardians nina Vice Ganda at Coco ang sumira sa lahat ng box office records. Kapag pinalad na makapasok ang magkahiwalay na pelikula nina Vice Ganda at Coco sa darating na 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF), dito ngayon magkaka­subukan kung sino sa kanilang dalawa ang mas papaboran ng mga manonood.

Coco topbills Ang Panday habang ang pelikula naman ni Vice Ganda ay co-production ng Star Cinema at Viva Films with Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.

Negosyanteng si Joel Cruz kinarir ang paggawa ng kambal

Mukhang kinakarir na ng tinaguriang Lord of Scents at successful businessman na si Joel Cruz ang pagkakaroon ng kambal na anak sa pamamagitan ng paggamit ng Russian surrogate mother thru in vitro fertilization o IVF.

Last May 24 ay isinilang ng same Russian surrogate mother ang ikatlong kambal ni Joel sa Russia na isa na namang boy and girl twins na pinangalanang Prince Charles at Princess Charlotte. Ito bale ang pangatlong kambal ni Joel kaya anim na ang kanyang anak.

Ang eldest twins na sina Prince Sean at Princess Synne ay isinilang nung 2012 na sinundan in 2015 ng ikalawang twins na sina Prince Harry at Prince Harvey.

Hindi pa namin natatanong si Joel kung balak pa niyang sundan ang tatlo niyang twins lalupa’t mga guwapo at ang gaganda ng kanyang mga anak.

Kung si Joel ay nag-iipon ng mga twins, bakit kaya hindi ito gawin o gayahin ng may mga kayang couple na hindi magkaroon ng anak?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with