^

PSN Showbiz

Gretchen nagtanggal ng stress kay Robi sa New York

Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong March ay nagkahiwalay na sina Gretchen Ho at Robi Domingo bilang magkasintahan. Kaya naman kamakailan ay mag-isang nagdiwang ng kanyang ika-dalawampu’t pitong kaarawan si Gretchen sa New York.

“Sobrang saya kasi first time ko mag-spend ng birthday ko out of the country. Tapos parang feeling ko lang parang tinreat ko ‘yung sarili ko to a really good vacation and I was with my best friend and her family so lumabas lang kami. Sinalubong namin ‘yung birthday ko. Tapos no’ng birthday ko mismo, nag-alone time lang ako. Umikot lang ako ng New York mag-isa. Kailangan ko lang kasi tahimik eh, kasi dito sa Pilipinas medyo maingay kaya dun nag-enjoy ako,” pagdedetalye ni Gretchen.

Naniniwala raw ang dalaga na ang kanyang pag-iisa ay makatutulong upang maka-move-on sa naging relasyon nila ni Robi. “I think part siya talaga ng personality ko kasi very introspective ako na tao and kahit ano man mangyari sa buhay ko, talagang nire-reflect ko kung ano ‘yung purpose ni Lord for me in everything that’s happening. Malaking tulong sa akin ‘yung pagpunta ko sa New York. Talagang nakahanap ako ng peace and quiet do’n and kumbaga parang nawala ‘yung stress ko,” giit ng dalaga.

Samantala, hindi raw apektado si Gretchen sa pagkakasangkot ni Sandara Park sa kanilang hiwalayan ni Robi. “Ang dami kasing nangyayari sa amin na hindi alam ng mga tao sa labas. Sa nakikita naman namin that’s why we choose to separate kasi it’s helping us both grow as people,” makahulugang pahayag ni Gretchen.

Jed takot nang ma-isyu kay Darren

Labis na naaapektuhan na si Jed Madela sa mga mapanirang salita na ibinabato sa kanya ng online bashers sa social media. May ilang binibigyang malisya ang pagiging malapit ng singer sa mga kaibigan katulad ni Darren Espanto.

Ayon kay Jed ay nagkaiwasan na sila ni Darren dahil sa mga malisyosong salita mula sa online bashers. “There are friendships before nang dahil sa bashing saka sa intriga ay nasisira, nag-iiwasan na lang kasi ‘pag nakita kayo na magkasama, gagawan ng issue and so it’s sad,” pahayag ni Jed.

“Napakasakit sa damdamin in all honesty, ngayon hindi kami masyadong okay ni Darren. We just say, ‘Hi! Hello!’ unlike before. Ako kasi I try to protect the kid kasi kung ako iba-bash n’yo, ako okay lang. Pero ‘pag siya na or ibang kaibigan ko lalo akong nasasaktan and ‘pag madaming tao we are kind of awkward. Hindi lang sa kanya kundi ‘yung iba pa na mga nabibigyang intriga sa akin,” pagtatapat ng singer.

Ikinalulungkot ni Jed ang mga pangyayari dahil hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nali-link siya sa mga kaibigang tinutulungan katulad ni Darren. “This is not the first time, I don’t know why, pati ang pagsuporta ko kay Darren is a big issue, they always give malicious meaning. Ako naman I’m always been a kuya to Darren ever since he started. So ngayon na he’s already finding his spot in the industry, ako I can’t help but to be proud of him,” giit ni Jed.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with