^

PSN Showbiz

Concert ni Ariana Grande sa UK pinasabog, 22 patay!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
  Concert ni Ariana Grande sa UK pinasabog, 22 patay!

Ariana

‘Di na tuloy sa ‘Pinas?

Matuloy pa kaya ang pagdating sa bansa ng American pop superstar na si Ariana Grande matapos bombahin ang kanyang ginanap na concert sa Manchester Arena sa United Kingdom?

As of press time, 22 na ang mga namatay at marami pa ang nawawala at mga sugatan sa nasabing pagsabog na ang sabi ay kagagawan ng mga terorista.

Malayo sa ating bansa ang Manchester pero maraming apektado dahil naghihintay sila sa concert ni Ariana sa August 21, 2017 sa MOA Arena para sa kanyang Dangerous Woman Tour na nag-umpisa sa Europe, susunod sa Latin America and Asia na kasama nga ang Pilipinas.

Naganap ang pagsabog habang naglalabasan na ang mga nanood sa loob ng arena na ayon sa mga balita ay umabot sa 22,000 na karamihan ay mga bagets na umiidolo kay Ariana. One Last Time pa naman ang last song niya sa nasabing concert kaya naikonek sa nasabing pagsabog.

“Broken. from the bottom of my heart, i am so so sorry. i don’t have words,” ang mensahe ng American pop superstar sa kanyang Twitter followers.

Ayon sa report ng TMZ suspended na indefinitely ang nasabing tour, Ariana Grande has indefinitely suspended her world tour in the wake of the terrorist bombing in England ... TMZ has learned.

“Sources connected to Ariana tell TMZ, she will not perform Thursday in London and has decided for now to put the entire European tour on hold. She was scheduled to perform in England, Belgium, Poland, Germany and Switzerland,” ayon sa article ng TMZ.

Nagsimula na sanang magbenta ng ticket sa kanyang concert sa bansa.

Hindi sana ito ang unang pagkakataon na magka-concert ang pop superstar sa bansa na idolo ng mga teenager. #PrayforManchester

Baste

Baste bitbit ng pangulo sa Russia

Wow, kasama sa trip sa Moscow ni President Rody Duterte si Baste Duterte na ngayon ay TV host na sa isang travel show ng TV5.

Obviously kailangan ng presidente ng kasama na miyembro ng pamilya para siguro magbantay sa kanya. Pero iba siyempre ang interpretation ng ibang netizens.

Maraming nega, pero marami rin naman ang nagsasabing kailangan naman talaga ng pangulo ng kasama lalo na nga’t may mga iniinom siyang mga gamot.

Or baka naman daw isasabay na ni Baste sa pagbisita sa Russia ang kanyang travel show?

Hindi pa natatagalan nang ibuko-buko ng pangulo na hindi na niya halos nakikita ang anak dahil lagi itong nasa babae niya. 

Ang common law wife na si Honeylet ang kasama ni Pres. Digong nang magbiyahe siya kamakailan sa Middle East.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with