^

PSN Showbiz

Magaling na aktor na walang pakisama, namamalimos na lang ng trabaho!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag nagka-casting ang mga produksiyon para sa kanilang proyekto ay napapasama naman ang pangalan ng isang aktor na nagbibida-nagkokontrabida. Pero hanggang du’n lang ‘yun.

Kapag tinatanggal nang isa-isa ang mga pangalan ng mga pinagpipilian ay ineekisan na rin ang kanyang pangalan, nawawala na siya sa listahan, marami kasing kumokontra para maging parte siya ng proyekto.

‘Yun ang madalas na nakakalimutan ng mga artistang nagiging palalo sa linya ng trabaho, napakaliit ng mundong ginagalawan nila, nagkakakuwentuhan ang mga production staff at tumatatak ang pagiging pasaway nila.

Tulad na lang ng male personality na walang ginagawang proyekto ngayon. Magaling pa naman siya, sayang na sayang ang kanyang talento, pero siya mismo ang nagpaliit ng kanyang mundo.

“Nu’ng maging artista namin siya, e, walang problema sa acting niya. Palagi siyang take one lang, sa tagal na ba naman niyang umaarte, hindi pa niya mame-memorize ang dapat niyang pag-atake sa mga eksena?

“Kaya lang, sirang-sira siya sa production, wala siyang pakisama. hindi niya tinatanggap ang pakiusap ng mga katrabaho niya. Kung ano ang pinag-usapang cut-off niya, hindi siya puwedeng mag-extend sa kahit isang shot lang.

“Magmamarakulyo na siya agad, sa susunod na lang daw ang eksenang ipinagagawa sa kanya, dahil ang usapan daw, e, hanggang ganu’ng oras lang siya. Isang shot lang, pagdidiskusyunan pa?

“E, ‘yun ngang mga sikat na artista, madaling kausapin, hindi sila nagdadamot ng oras, kung kailangan talagang tapusin ang sequence para maiselyo na, e, ginagawa nila!

“Pero itong si ____(pangalan ng kilalang male personality), walang pakisama, makuwenta siya sa oras, ni hindi niya man lang unawain ang production na nagbibigay sa kanya ng trabaho.

“Kaya ayan, wala siyang work, para na siyang namamalimos sa kapapanawagan sa mga producers at network para bigyan siya ng trabaho, pero parang bingi lang ang lahat sa pakiusap niya!” madiing kuwento ng aming impormante.
Ubos!

Alden kailangan ding mahalin ang sarili

Ibang klaseng maningil ang katawan. Kung said na said na ang ating lakas dahil sa sobrang pagtatrabaho ay siguradong darating ang panahon ng pagtutuos.

Alam na ngayon ni Alden Richards ang ibig sabihin at kahalagahan ng masarap na tulog at pahinga. Sinisingil na siya ng kanyang katawan dahil sa halos isa’t kalahating taon ng pagtatrabaho niya nang tuluy-tuloy.

Hindi sapat ang mga iniinom niyang vitamins, kulang na kulang ang pag-iidlip lang sa sasakyan bilang pahinga niya, ibang-iba talaga ang kumpletong tulog sa gabi, tamang pagkain at pahinga.

Gustuhin man niyang magtrabaho na ngayon ay hindi pa puwede, pinayuhan si Alden ng kanyang mga doktor na kahit nakalabas na siya ng ospital ay kailangan niya pa ring kumpletohin ang pagpapahinga sa kanilang bahay, malaki ang epekto nu’n sa napakahabang kalendaryo ng kanyang mga kompromiso.

Gasgas na gasgas na ang linya pero palagi pa rin nating naririnig mula sa mga doktor na kung ang makina nga ay kailangang nililinis at pinagpapahinga, ang katawan pa kaya natin ang hindi, samantalang iisa lang naman ang ating buhay?

Aanhin naman natin ang milyones kung hindi maganda ang kundisyon ng ating katawan? Kung palagi tayong nagkakasakit? Ang kikitain natin kapag ganu’n ay magiging donasyon lang natin sa ospital.

Nasa estado na ngayon ang Pambansang Bae na halos lahat ng pinapangarap niya para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ay nakamit na niya.

Puwede na siyang magbawas ng trabaho, ang mga importante na lang talaga ang kailangan niyang itira, dapat bigyan ni Alden ng importansiya ang kanyang kalusugan.

Ibang klaseng maningil ang katawan, wala tayong kalaban-laban, kinukuha na ang ating puhunan ay meron pang tubo na kailangan nating pagbayaran.

Alam namin na mahal na mahal ni Alden Richards ang kanyang trabaho kaya naman minamahal din siya pabalik nito. Pero ang unang-una niyang dapat mahalin ang kanyang sarili, ang kanyang kalusugan, dahil ‘yun ang nagbibigay sa kanya ng mga biyaya.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with