^

PSN Showbiz

Richard marunong nang ngumiti at tumawa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nang mapanood sa premiere night ang Mano Po 7: Chinoy, naintindihan namin kung bakit sinabi ng MTRCB na ang movie ang pinakamagandang Mano Po series. Pampamilya ang pelikula at family problems ang tinalakay at ang maganda, ipinakita ang pagsisisi ng nagkasala at ipinakita ring may fore­ver sa mag-asawa na ginagampanan ni Richard Yap at Jean Garcia.

Ang tanungan after the premiere, bakit hindi ito nasali sa eight entries ng MMFF? Pero ayaw nang mag-dwell sa past nina Mother Lily at Roselle Monteverde at inisip na lang na blessing in disguise ang maaga nitong playdate sa December 14 na.

Mahusay ang buong cast, nag-blend sila sa isa’t isa, pero standout sina Jean at Enchong Dee. Kahit si Jessy Mendiola, may impact ang karakter at tiyak proud sa kanya ang BF na si Luis Manzano. Sayang at umalis agad si Luis at hindi yata tinapos ang movie (thanks sa treat na popcorn).

Napansin ng press na hindi na stiff at nag-loosen up na si Richard sa interview. Comment ng isang reporter, marunong pala itong ngumiti at tumawa. Nanghinayang ito na hindi natuloy ang kissing scene nila ni Jean Garcia at wish nitong sa next movie nila ay may kissing scene na sila.

Kay Richard namin nalamang may RichJean fans sila ni Jean at sila ‘yung malalakas sumigaw at kinikilig ‘pag magkasama sila sa screen. Talo pa nga ng fans nila sa lakas at consistent sumigaw ang fans nina Janella Salvador at Marlo Mortel.

Bagong partner ni Jennylyn, may dyowa na

Bukas na, Monday, naka-schedule ang first ta­ping day ng My Love From the Star na pagtatambalan nina Jennylyn Mercado at Fil-Spanish international model Gil Cuerva. Excited ang Kapuso viewers sa bagong leading man ni Jennylyn, hindi raw mahihirapan si Direk Joyce Bernal na hanapan sila ng chemistry dahil lumabas ito agad.

Nagkatabi lang sa picture sa storycon at sa guesting sa 24 Oras, marami na ang kinilig sa dala­wa. ‘Katuwa basahin ang ibang comments na madaliin ng GMA 7 ang airing ng MLFTS dahil gusto na nilang mapanood gabi-gabi si Gil.

Biglang dumami ang followers ni Gil sa social media at majority, gusto siyang mas makilala pa. Nalamang 21 years old ito at La Salle student. Nadiskubre rin na nag-cameo siya sa Kalyeserye ng Eat Bulaga sa birthday ni Lola Nidora (Wally Bayola). Kahit nalamang may GF si Gil, hindi pa rin napigil ng fans na magka-crush sa kanya.

Boobs ni Kim pinag-awayan na naman

Nagpasilip na naman ng boobs si Kim Domingo sa Instagram (IG) at hindi maiwasang may mga bastos at mahahalay na comments. Hindi pa rin tumitigil ang iba sa pagtatanong kay Kim kung totoo at hindi gawa ng doctor ang boobs niya.

Also, unlike sa una niyang pagpo-posts na kita ang boobs, hindi nakipagsagutan sa netizens si Kim. Ang followers niya ang nag-away-away dahil sa bastos na comment ng isang male follower.

Die Beautiful pinalakpakan

Pinalakpakan ng mga nanood ng premiere night ng Mano Po 7: Chinoy ang trailer ng Die Beautiful na ipinalabas bago ang screening ng Mano Po 7. Ang ganda ng feedback na narinig namin mula sa audience. Nasa premiere night si director Jun Lana na tiyak na ikinatuwa ang reaction ng mga tao.

Entry sa MMFF ang Die Beautiful na bida si Paolo Ballesteros at tuwang-tuwa sa kanya ang audience.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with