James nakalipat na sa bagong bahay!
Seen: Ang victory party kahapon ng cast at production staff ng The Unmarried Wife ng Star Cinema na may box-office gross na P243.6 million.
Scene: Nakalipat na si James Reid at ang pamilya niya sa bagong bahay ng aktor sa Loyola Grand Villas,Quezon City noong last week lamang ng November.
Seen: Si Pedring Lopez ang direktor ng Darkroom, ang horror movie na pinagbibidahan nina AJ Muhlach, Bret Jackson, Ella Cruz, at Andrew Muhlach. Ang Nilalang, na official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) at tinampukan nina Cesar Montano at Maria Ozawa ang unang movie directorial job ni Pedring Lopez.
Scene: Natupad kahapon ang pangarap ni Vice Ganda na umakyat sa P300 million ang box-office gross ng The Super Parental Guardians, ang hit movie nila nina Coco Martin, Awra Briguela, at Simon Pineda.
Seen: Ngayong hapon, 5 p.m., ang parada ng cast ng Mano Po 7: Chinoy sa SM Megamall. In full force na sasali sa parada ang mga artista ng Mano Po 7.
Scene: Dahil 18 years old na si Gabbi Garcia, puwede na nilang aminin ni Ruru Madrid ang kanilang inililihim na relasyon. Hindi maamin ni Gabbi ang namamagitan sa kanila ni Ruru dahil hindi pa siya tumutuntong noon sa legal age.
- Latest