^

PSN Showbiz

Kaya patatali Osang ginawa raw normal ng tibo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kaya patatali Osang ginawa raw normal ng tibo

 Rosanna Roces at partner na si Blessie Arias

Bukas na gaganapin ang same-sex marriage ni Rosanna Roces at partner na si Blessie Arias. Mangyayari ito sa isang events place sa Antipolo. Ayon sa aktres ay maraming mga nabago sa kanyang buhay mula nang makarelasyon si Blessie. “Nagtanggal na ako magsigarilyo, tanggal na lahat. Hindi naman ako umiinom eh, hindi na rin nagpupuyat. Hindi na rin maligalig ang buhay, normal na. ‘Yan kasi ang tao na nagpapatino sa akin. Kaya even without saying anything, nakukuha ako sa tingin ng tao na ‘yan,” makahulugang pahayag ni Rosanna.

Tanggap na tanggap daw ng pamilya ng aktres kung ano man ang kanyang naging desisyon sa panibagong yugto ng kanyang buhay. “Nagpaalam kami kay nanay. Sabi niya, ‘Ano ba ‘yan? Kung kailan ka tumanda, saka ka nagpakipot.’ Sabi ko, ‘Hindi naman ‘nay,’ Christian kasi ang family, tapos same-sex ang wedding. Hindi naman maligalig ang same-sex marriage eh. Si nanay nga nakita niya na dito ako tumitino,” nakangiting kwento ni Osang.

Nagbigay rin ng ilang detalye ang aktres tungkol sa magaganap na kasalan bukas. “Si Butch Francisco ang maghahatid sa akin sa altar. Siya kasi ‘yung parang kuya ko na parang kapatid ko na siya. May mga sikreto ako na siya lang nakakaalam. Tapos ilan na ang apo ko, siya ang ninong. So hindi na talaga iba sa akin si Butch,” pagbabahagi ng kontrobersyal na aktres.

Jean pinatos ang kinakapatid 

May bulung-bulungan na may espesyal na ugnayan na diumano sina Jean Garcia at Jomari Yllana. Agad namang pinabulaanan ng aktres ang nasabing isyu. “We are just very, very good friends. Para kaming best friends, very close talaga. Para na ring magkapatid, magkaibigan. So huwag na lang sanang bigyan ng malice if ever. Hindi natin alam kung ano ang ano pero ngayon talaga we are good friends,” paglilinaw ni Jean.

Aminado ang aktres na lumalabas sila paminsan-minsan ni Jomari pero wala siyang kasintahan sa ngayon. “Sa ngayon hanggang doon lang. We went out at saka minsan nagdi-dinner din kami. I’m open naman, nagdi-date. I’m not committed to anyone, walang exclusive dates. Basta I’m just enjoying myself and keep myself busy to works,” pagtatapat ni Jean.

Hindi pa rin masabi ng aktres kung saan patutungo ang kanilang relasyon ni Jomari bilang malapit na magkaibigan. “Mahirap kasing magsalita ng tapos. Pero for now talaga we are good friends. I trust him. ‘Yung relationship namin ni Jom, nasa point na maraming personal na bagay na alam ko sa kanya at marami rin siyang personal na bagay na alam sa akin. We are very open with each other. We are very honest, maybe because ‘yung tiwala nandoon,” giit pa ni Jean.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with