^

PSN Showbiz

Kris nakiki-ride na lang daw para hindi mawala sa eksena!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kris nakiki-ride na lang daw para hindi mawala sa eksena!

Kris

SEEN: Generous judges sina Erik Santos, Jaya, at Kyla sa Tawag ng Tanghalan Press Edition sa Christmas party for the entertainment press ng ABS-CBN dahil mga papuri ang ibinigay nila sa apat na contestants.

SCENE: Ang sample ni Erik Santos sa impersonation niya sa singing voice ni Vina Morales. Magpagkakamalan na bading si Erik dahil gayang-gaya niya ang boses ni Vina.

SEEN: Modern minimalist ang theme ng 18th birthday celebration ni Gabbi Garcia sa Marriott Hotel noong Martes. Mga bisita sa debut party ni Gabbi ang kanyang mga co-star sa past and present television assignment niya sa GMA-7.

SCENE: Terno sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang tuxedo outfit nang dumalo sila sa birthday celebration ni Gabbi Garcia.

SEEN: Ang favorite fashion designer ni Heart Evangelista na si Mark Bumgarner ang gumawa ng debutante gown ni Gabbi. Model ni Mark si Gabbi sa kanyang fashion show sa Dusit Hotel noong January 2016.

SCENE: Ang mga paratang na ginamit lang ni Kris Aquino sina Vice Ganda at Maine Mendoza para sa sariling publicities. Pinag-usapan ang magkasabay na playdate ng The Super Parental Guardians at Enteng Kabisote 10 and The Abangers na parehong pinanood ni Kris sa magkaibang araw, kasama sina Vice at Maine kaya damay siya sa mga publicity ng mga pelikula.

SEEN: Mainit na isyu ang resignation ni Vice President Leni Robredo bilang cabinet member ni President Rodrigo Duterte kaya hindi nagpahuli si Kris Aquino sa pagbibigay ng kanyang opinyon na may hashtag na #LabanLeni.

SCENE: Sinagot ni Robin Padilla ang lahat ng gastos nang mamatay ang kanyang kamag-anak, ang direktor na si Bebong Osorio. Dating child actor si Bebong.

SEEN: Hindi itinanggi ni Joshua Garcia ang bintang na ginagaya niya ang kilos at pananalita ni John Lloyd Cruz. Fan ni John Lloyd ang lead actor ng Vince & Kath & James, ang official entry ng Star Cinema sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

SCENE: Mga senior citizen tulad ng couple na sina Boots Anson Rodrigo at Atty. King Rodrigo ang nanood ng Christmas concert ng veteran American singer na si Pat Boone sa Smart Araneta Coliseum noong Martes.

SEEN: Umaasa ang fans ni Julia Barretto na ang Vince & Kath & James ang magpapainit sa kanyang lumamig na showbiz career. Nakaapekto sa promising career noon ni Julia ang estranged and strained relationship nila ng kanyang tatay na si Dennis Padilla.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with