^

PSN Showbiz

Liza at Enrique, nagpaka-sensual na

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Liza at Enrique, nagpaka-sensual na

Enrique at Liza

Sa January 4 ay magdiriwang ng kanyang kaarawan si Liza Soberano. Sa ngayon ay hindi pa raw nila alam ni Enrique Gil kung saan at paano magdiriwang ang aktres. “We are still deciding where we’re going to go but I hope it’s some place na malamig because I like cold weather,” nakangiting pahayag ni Liza.

Sa isang taon ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang My Ex and Why’s ng Star Cinema na pinagbibidahan ng aktres at ni Enrique. Sa bagong proyekto ay may pagka-mature na raw ang mapapanood ng mga tagahanga  sa LizQuen. “Medyo mas sensual ‘yung movie namin nang kaunti, very slight lang, and it’s also more mature compared to the movies we’ve done before. It’s totally different from everything we’ve ever done, including our TV shows. So dapat abangan,” pagbabahagi ng dalaga.

Kamakailan ay nagpunta pa sa Korea sina Liza at Enrique upang kunan ang ilang mahahalagang eksena para sa bagong pelikula. Kakaibang karanasan daw para sa aktres ang makarating sa Korea. “Being in Korea is to me the most memorable thing. We got to see a lot of nice places like Myeongdong. We also got to Nami Island. We got to eat a lot of good Korean food,” kwento ng aktres.

Ronnie Alonte gulat na dala-dalawa ang pelikula sa MMFF

Sinasabing launching movie ni Ronnie Alonte ang Seklusyon na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan. Masayang-masaya ang binata dahil nakagawa na kaagad siya ng pelikula kahit mahigit isang taon pa lamang siya sa show business. “Sobrang gulat na gulat nga po ako kasi unexpected lahat ng nangyayari po ngayon,” bungad ni Ronnie.

Isang malaking karangalan daw para sa baguhang aktor na makatrabaho si Erik Matti na siyang nagdirek ng pelikula. “Sobra po ang pasasalamat ko. Kasi siyempre unang-una po, pinagkatiwalaan din ako ni direk Erik na ako ‘yung mag-lead dito. Talagang sabi ko nga po sa kanya, ‘Parang hindi ko po yata kaya.’ Pero sabi niya, kaya ko raw dahil malaki ang tiwala niya sa akin. Kaya sobrang pasasalamat ko sa kanya at siyempre sa Itaas din po lalo,” pagbabahagi ni Ronnie.

Ngayon pa lamang ay kinakabahan na raw ang aktor kung ano ang magiging opinyon ng mga manonood sa kanyang unang pelikula. “Sobrang kinakabahan ako sa movie na ito. Kasi hindi ko alam kung ano’ng magiging opinion ng mga tao. Kasi kanya-kanyang opinion po ‘yan eh. Baka po mamaya, may pangit na comment or maganda man. Para sa akin, ginawa ko naman po nang maayos ang trabaho ko kasi ibinigay naman po sa akin ito. Hindi ko rin naman po masisisi ‘yung ibang tao kung ayaw nila ‘yung movie o gusto,” paliwanag niya.

Bukod sa Seklusyon ay bida rin si Ronnie sa Vince and Kath and James kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto na isa rin sa mga kalahok sa MMFF.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with