^

PSN Showbiz

Baka langawin?! Parade of Stars, kanselado!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Baka langawin?! Parade of Stars, kanselado!

Vice Ganda

Uy wala na palang magaganap na Parade of Stars bago ang Pasko.

Naging tradisyon na ang parade ng mga artistang kasali sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sakay ng mga magagarang float na karaniwang dinadagsa ng fans na ang iba’y nanggaling pa sa probinsiya. Usually, ginaganap ito ‘pag bisperas ng Pasko pero binago ilang taon lang ang nakararaan dahil maraming nagrereklamo sa ma­tinding traffic kaya ginawang December 23. Pero this year, sadly ay wala raw ngang Parade. Wala raw kasing enough funds ang mga indie films produ na gastusan ang magarang float.

Baka nga naman lumabas na mas mahal pa ang gastos sa float kesa sa cost ng pelikula nila?

Nakakapanghinayang lang na nawala na ang ganitong tradisyon na nagpapalakas sa movie industry tuwing Pasko.

As it is, sinasabi nga nilang patay na ang industriya dahil iilan na lang ang pelikulang ipinalalabas sa loob ng isang taon. Tapos hihina pa ang MMFF, paano na kaya makakabangon ang mo­vie industry?

Mga sinehan maaga na namang magbubukas

Maaga uling magbubukas ang mga sinehan ngayong weekend.

Naudlot ang panonood ng sine ng mga bata dahil may pasok noong Huwebes.

Ngayong weekend, inaasahang dadagsa uli ang mga manonood ng The Super Parental Guardians and Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Pila-pila ang nanood ng dalawang pelikula nang magbukas ito sa mga sinehan last Wednesday na Holiday at pay day.

Humina ito noong Huwebes at nadagdagan daw ng kaunti kahapon.

Iba talaga ‘pag ang pelikula ay kasali sa MMFF. Walang istorbo ang mga bata dahil bakasyon.

Mother Lily Monteverde

Walk of fame binalewala si Mother Lily

Ay wala pa palang ‘star’ sa Walk of Fame na sinimulan ni Kuya Germs Moreno years ago, noong nabubuhay pa, ang isa sa mga pillar ng movie industry na si Mother Lily Monteverde.

Yup, naunahan pa siya ng non-showbiz perso­nalities like Joel Cruz and Dr. Manny Calayan.

Literal na haligi ng industriya ang Regal producer dahil galing sa kanyang film company ang maraming Tagalog classic films.

Deka-dekada na rin ang itinagal niya sa movie industry and up to now, andiyan pa rin siya at patuloy na gumagawa ng pelikula. ‘Yun nga lang, ang huling project niyang Mano Po 7: Chinoy ay hindi nakapasok sa Magic 8. Starring sa movie si Ri­chard Yap with Jean Garcia, Enchong Dee, Jessy Mendiola, Janella Salvador among o­thers na showing sa December 14.

The other day kasi, nagdagdag na naman ng mga star sa Walk of Fame sa Libis na pawang mga bagets ang nakasama like Liza Soberano, John Arcilla, Jennylyn Mercado, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Shaina Magdayao, Barbie Forteza, Ted Failon, Luchi Cruz-Valdes, Susan Enriquez, Eddie Ilarde, Manolo Favis, Pepe Smith, Willy Cruz, at Zenaida Amador.

So, ano nga bang criteria? Kung pelikula at nai-contribute sa industriya ang pag-uusapan, walang duda na nangunguna riyan ang Regal Film’s owner.

MMFF movie malalim ang hugot

Maayos at kakaaliw ang kuwento ng isang pelikulang pasok sa Magic 8 ng MMFF pero hindi bagay sa bata.

Medyo malalim ang hugot at may ilang salitang hindi swak sa mga bagets.

Pero bongga ang kuwento, pang-matalino at nakakatawa.

Hoping and praying ang karamihan na kikita ang pelikulang ito sa Pasko na ang karaniwang suki ay mga tsikiting na tuwing December 25 lang nagkaka-budget sa sine na nagkakahalaga na ngayon ng halos P300 na kung tutuusin ay pang-pitong kilong bigas sa ordinaryong tao na sakto lang na kita sa pang-araw araw na pangangailangan.

 

Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with