^

PSN Showbiz

Male singer na pinaglipasan na ng panahon ayaw isuko ang ‘korona’ sa baguhan!

- Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung pagsikat ang pag-uusapan ay narating ng isang male personality ang kanyang pangarap. Lalo na nu’ng kanyang kapanahunan, napakabenta ng kanyang mga kanta, hindi kumpleto ang pagpindot ng mga mahilig sa musika sa jukebox nang hindi naririnig ang kanyang mga piyesa.

Ganu’n siya katindi nu’n, bahagi ng buhay ng mga Pinoy ang mga kanta niya, hanggang sa umalis siya at nangibang-bansa.

Sa kanyang pagbabalik ay kinuwestiyon niya agad ang kanyang kasamahang singer kung bakit ito na ang kinakambalan ng titulong kanyang-kanya lang daw at walang makaaagaw.

Siya raw ang nagpakahirap sa titulong ‘yun, umalis lang daw siya nang ilang taon, pero kailanman ay hindi niya hinubad ang titulong ibinigay sa kanya ng ating mga kababayan.

Paminsan-minsan, kahit hindi na niya panahon ngayon, ay naiimbitahan pa rin sa ilang okasyon ang sumikat na male singer. Parang respeto na lang sa nakaraan, parang pagbibigay na lang ng importansiya sa naiambag niya sa mundo ng musika, ganu’n na lang ang dahilan ng imbitasyon sa kanya.

Pero nabubuhay pa rin pala sa nakaraan ang male singer, dahil kuwento ng isang source, “Nakikialam siya sa takbo ng show. Kailangang siya ang finale, dahil meron daw siyang title. Marami rin siyang reklamo, marami siyang hinahanap, parang akala yata niya, e, panahon pa rin niya hanggang ngayon.

“’Yung sinasabi niyang titulo niya, e, ‘yun pa rin ang ipinasasabi niya sa emcee, siya raw ang original, wala raw makaaagaw sa kanya nu’n, peke lang daw ang ibang gumagamit sa title niya.

“Sa tagal na ba naman ng panahong nawala siya, sa dinami-dami na ba naman ng mga nagsulputang singers na mas magagaling pa nga kesa sa kanya, e, ganyan pa rin pala ang takbo ng utak niya?

“Kung walang forever, meron kayang eternally?” nakataas pa ang kilay sa 20th floor na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris pinagdududahan ang ginawa kina James and Mic

Napakalaki ng iginanda ng imahe ni Kris Aquino sa desisyon niyang papuntahin sina Josh at Bimby sa nakaraang selebrasyon ng kaarawan ni Michela Cazzola.

Kahit sa mga umpukan ay masarap sa pandinig ang mga komento ng mga kababayan natin tungkol kay Kris, mukhang positibo raw ang takbo ng kanyang utak ngayon, mabuti naman daw at ganyan na siya.

Pero may mga nagdududa pa rin, nagtatanungan sila kung hanggang kailan daw naman kaya ang ganyang pananaw ng aktres-TV host, baka raw naman pangpa-good vibes lang ang ginawa niya?

At hindi natin sila masisisi, nasanay na kasi ang mga Pinoy sa kanyang ugali, okey siya ngayon, okey na okey, pero biglang hindi na naman pagkatapos lang nang ilang araw.

Pero sa edad ngayon ni Kris, sana nga’y matutuhan na niya ang pagpapahalaga sa paninindigan, para hindi siya nasusumbatan. Tuparin na niya ang kanyang mga sinasabi para hindi siya pinagdududahan.

Matagal na silang hiwalay ni James Yap, naghatian na sila ng mga ari-arian, may sariling buhay na ngayon ang basketball superstar. Maligaya na ito kay Michela, meron na silang anak, kaya panahon na rin para mag-move-on si Kris.

Hindi siya puwedeng mabuhay sa nakaraan, inaalala na lang ‘yun, hindi na isinasabuhay. Pinapayuhan ni Kris ang kanyang mga guests tungkol sa pakikipagrelasyon, marami siyang positibong komento, pero pagdating sa kanyang sariling buhay ay baligtad ang nangyayari.

Hindi nga kayang operahan ng doktor ang kanyang sarili.

vuukle comment

JOSH AT BIMBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with