^

PSN Showbiz

Mainit na eksena ng JaDine milyon ang tweets

- Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkagulo ang fans ng love team nina James Reid at Nadine Lustre matapos matunghayan ang kanilang mainit na eksena sa Till I Met You na nagpa­lagablab sa gabi ng mga manonood noong Martes (Oct 25).

Hindi napigilan ng mga manonood nationwide ang kilig at pagkasabik sa pagmamahalang ipinakita nina Iris (Nadine Lustre) at Basti (James Reid), kaya naman nakapagtala ito ng national TV rating na 15.9%, higit na mataas kumpara sa katapat nitong programa na Someone to Watch Over Me, na nakakuha lamang ng 11.9%, ayon sa Kantar Media.

Naging usap-usapan din online ang makapigil-hiningang eksena ng dalawa at umani ng mahigit isang milyong tweets sa Twitter, dahilan para ma­ging top trending topic worldwide ang official hashtag ng palabas na #TIMYRunAway.

 Ano na nga ba ang mangyayari sa kwento ng pag-iibigan nina Basti at Iris? Maipaglaban pa rin kaya nila ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng pagtutol ng mga mahal nila sa buhay?

 Huwag palampasin ang pamamayani ng tunay na pag-ibig sa Till I Met You, gabi-gabi pagkatapos ng Magpahanggang Wakas sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscri­ bers. Para naman makabili ng exclusive TIMY merchandise, mag-order lamang sa abs-cbnstore.com o pumunta sa branches nito sa ELJ Building, Quezon City o sa 3rd level ng TriNoma Mall.

vuukle comment

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with