^

PSN Showbiz

Jessy inaakusahang nagpapanggap! Pinay na si Nicole Cordoves waging first-runner up sa Miss Grand International

UBOS - Pilipino Star Ngayon
Jessy inaakusahang nagpapanggap! Pinay na si Nicole Cordoves waging first-runner up sa Miss Grand International
Miss Grand International 2016

Mystica ayaw paniwalaan na naghihirap, meron daw dalawang sasakyan!

SEEN: First runner-up si Nicole Cordoves ng Pilipinas sa Miss Grand International 2016 na ginanap kahapon sa Westgate Hotel & Casino, Las Vegas, Nevada. Si Ariska Putri Pertiwi ng Indonesia ang nanalo ng Miss Grand International 2016 title.

SCENE: Flattered si Marina Benipayo dahil first time niya na dumalo sa isang presscon na tinanong siya ng entertainment press. Si Marina ang girlfriend ni Ricardo Cepeda, ang ex-husband ni Snooky Serna.

SEEN: Ang pagsasama nina Marina Benipayo at Snooky Serna sa Hahamakin Ang Lahat ang hot topic sa presscon ng afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa Lunes, Oktubre 31.

SCENE: Hindi pa rin nagbabago si Snooky Serna dahil paliguy-ligoy pa rin ang kanyang mga sagot sa mga tanong at hindi pa niya pinagpapahinga ang redundant words na madalas gamitin. #Predictable

SEEN: Masaya ang magiging Pasko nina Katrina Halili, Mark Herras, at Yasmien Kurdi dahil extended hanggang sa 2017 ang Sa Piling Ni Nanay, ang afternoon teleserye nila sa Kapuso Network.

SCENE: Star na star ang basketball player na si Mark Caguioa ng Ginebra San Miguel sa isang mall noong Martes dahil pinagkaguluhan siya ng basketball fans na nag-request sa kanya ng photo op.

SEEN: Mahirap paniwalaan na naghihirap na ang singer na si Mystica dahil sa balita na nagmamay-ari pa rin siya ng dalawang sasakyan. Miserableng-miserable ang hitsura ni Mystica sa tuwing humihingi siya ng tulong at simpatiya.

SCENE: Tumaas ang ratings ng Encantadia dahil sa mga eksena nina Sunshine Dizon at Diana Zubiri, ang original Pirena at Danaya na mga kontrabida na ngayon sa primetime telefantasya ng GMA-7.

SEEN: Ang mga pangamba na hindi magtatagal ang relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola dahil sa akusasyon na mapagpanggap ang sexy actress na nagpasikat sa grammar slip na “What I am to say to that?”

vuukle comment

NICOLE CORDOVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with