^

PSN Showbiz

Humayo mas maliit daw ang kita kumpara sa walong oras na Hele!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK:  Puring-puri ang pelikulang Ang Babaeng Humayo na nagbukas na kamakailan lang, pero hindi pa raw umabot ng isang milyon ang kinita sa first day of showing nito.

Medyo pumi-pick up naman daw nang mga sumunod na araw. Kaya ang tantiya ng aming source, baka umabot daw ang pelikula ng 4 million pesos sa unang linggo nito. Inaasahang tataas pa ito, dahil hindi pa pala nito nataasan ang kinita ng Hele sa Hiwagang Hapis na mas doble pa kumpara sa Humayo.

PAK: Masaya na rin si AiAi delas Alas kahit hindi siya nagwaging Best Actress sa dinaluhan niyang 12th EurAsia International Film Festival na kung saan lumaban ang pelikula niyang Area.

Nakakuha naman ng Special Jury Prize ang naturang pelikula kaya masaya na ang buong team ng pelikulang Area dahil hindi naman sila umuwing luhaan.

Naikuwento pa ni AiAi sa kanyang Instagram account na may isang Russian pa raw na binati siya dahil sa okay daw ang presidente natin ngayon.

Kaya ipinarating niya sa kaibigan niyang si Arnel Ignacio na “pak ganern!” daw si Pres. Rodrigo Duterte.

Kahit open naman siyang sa dating Vice President Jejomar Binay ang suporta niya, buo naman ngayon ang suporta niya sa ating pangulo. Pero ewan ko lang kung ano ang reaksyon ni Kris Aquino sa sina-suggest ni AiAi na dapat ibalik na raw sa dating pangalan ang airport nating Manila International Airport.

BOOM: Natutuwang ikinuwento ni Charice Pempengco na apat na taon na ang pagsasama nila ng karelasyon niyang si Alyssa Quijano. Masaya raw sila sa kanilang relasyon at inamin niyang pinag-uusapan na nila ang kasal.

“Kung may gagawin man kami, probably propose muna, ipon muna kami para sa wedding.

“Nag-uusap naman kami about it, pero siyempre darating tayo diyan.

“Kumbaga, boring man pakinggan pero andun na talaga, parating na talaga,” nakangiting sagot ni Charice sa launch ng bagong album niyang Catharsis ng Star Records.

Pati ang magkaroon ng baby ay napapag-usapan na rin daw at kung ano mang proseso ay sa kanila na lang daw muna iyon. Kung sakali, si Alyssa raw ang magbubuntis, kagaya ng binabalak din nina Aiza Seguerra at Liza Diño.

Pero sa ngayon ay masaya raw sila sa kanilang mga doggies. Sobrang love raw nila ang mga puppies nila na parang mga anak na ang turing nila.

“Sobrang dog lover talaga kami na minsan naisip namin na kung hindi mawala ang mga dogs namin hindi kami magkaanak. Sobrang in love kami sa mga puppies namin.

“Kaya for now, we are very good sa kung ano mang situation namin,” dagdag na pahayag ni Charice.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with