^

PSN Showbiz

Pinoy napisil para magdirek ng Hollywood film

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ang Pinoy director na si Yam Laranas ang kinuha para mag-direk ng Hollywood horror movie na The Wanting. Itatampok dito ang mga Hollywood actors na sina Adam Brody at Amanda Crew. Si Laranas din at isa pang Pinoy, si Gin de Mesa, ang gumawa ng istorya na sa Toronto, Canada isu-shoot. Second time na ito ni Laranas sa Hollywood. Nung 2012 ay ginawa niya ang pelikulang The Echo.

Maine ‘di kayang kalasan si Alden

Para sa isang non-singer na tulad ni Alden Richards, malaking bagay at isang malakas na tulak sa karera niya ang pagdaraos ng isang concert sa London. Hindi kasama sa palabas si Maine Mendoza.

Baka ‘pag naging malaking tagumpay ang gagawin nitong konsyerto ay matagalan pa bago masimulan ang serye nila. Ano man ang sabihin ni Maine at ng mga follower niya, kailangan pa nila si Alden kung gusto nilang magpatuloy pa ang AlDub loveteam. After London, balitang kasamang magbabakasyon ang magka-loveteam sa London din at tutuloy sa Germany.

Assunta handang gumastos para magkaanak!

Sana nga ay matupad na ang w ish ni Assunta de Rossi na mabuntis sa asawa niyang si dating Cong. Jules Ledesma. Panay nga ang honeymoon nilang mag-asawa at hoping na makabuo ng isang anak. May movie nang natapos si Assunta na balak isali sa MMFF 2016. Ito muna ang inaasahan niyang maging tagapagpaalala niya sa mga manonood kapag pansamantala siyang nawala para magbuntis.

Hopeful si Assunta na magkaanak, kung hindi man sa normal na pamamaraan ay maski sa pamamagitan ng invitro fertilization.

Andrea mas kontrobersyal kesa kay Megan

Sayang para kay Megan Young dahil natoka kay Andrea Torres ang mas demanding at mas challenging na role ng isa sa dalawang leading lady ni Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood ng GMA.

Makakaya rin naman ni Megan ang role kung siya ang na-assign dito pero, dahil si Andrea ang nakakuha wala siyang magawa kundi ang umasa na magawan din ng paraan ng mga writer ng ARH na mapaganda rin at magawang kasing kontrobersyal ang role niyang bilang isang doktor.

As it is bumabandera na ang favorite leading lady ni Mikael Daez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with