^

PSN Showbiz

Coco ginaya ang pagdadamit babae ni FPJ!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Wala nang credibility ang isang award-giving body na linggo-linggo ang pagbibigay ng parangal sa mga artista.

SCENE : Dahil kay Coco Martin, muling tinanggap ng televiewers ang mga action teleserye. Ang pagkamatay ng action mo­vies ang sanhi ng pagtamlay ng career ng mga local action star.

SEEN: Si Toto Natividad ang isa sa dalawang direktor ng Ang Probinsyano. Nawala man ang action films, may pinagkakaabalahan pa rin si Toto.

SCENE: Mahina ang benta ng  mga magazine na cover si Vice President Leni Robredo at ang kanyang mga anak.

SEEN: Naranasan ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. ang magbihis-babae at magsuot  ng wig na maging double siya noon ng mga aktres na sina Lilia Dizon at Celia Flores, ayon sa veteran showbiz reporter na si Alfie Lorenzo.

SCENE: Aliw na aliw si Eddie Garcia sa pakikinig sa pagbabalik-tanaw ni Alfie Lorenzo sa nakaraan sa anniversary presscon ng Ang Probinsyano.

SEEN: Pinupuri ng televiewers ang acting ni Edu Manzano sa Someone To Watch Over Me. Si Edu ang gumaganap na ama ni Tom Rodriguez sa primetime teleserye ng GMA 7.

SCENE: Ipinagdiwang kahapon ni Tom Rodriguez ang kanyang 29th birthday at pitong taon nang active ang showbiz career niya na nagsimula noong 2009.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with