^

PSN Showbiz

Dating sikat na basketbolista na nabaon sa bisyo, wala nang makain!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang singkong maisusubi mula sa piso, kapag siner­yoso, ay napakalaking halaga na pagkalipas nang maraming taon. Napakabilis maubos ng pera, madaling sunugin, lalo na ng mga taong nagbibisyo.

Awang-awa ngayon na may kasamang pagkainis ang mga dating kasamahan-kaibigan-katrabaho ng isang nakilalang lalaking personalidad nu’ng kasagsagan ng kanyang karera. Nauwi sa wala ang lahat ng kanyang pangarap.

Daang libo ang kinikita niya sa kanyang linya, maraming naiinggit sa kanya dahil bukod sa magandang lalaki na siya ay ang galing-galing pa, sino nga ba ang mag-aakala na darating pala siya sa puntong halos mamalimos na ng awa sa kanyang mga kasamahan?

Kuwento ng isang source, “Dapat, nu’n pa niya naisip na walang forever sa kahit anong larangan. Ke sa showbiz, sa pulitika, sa sports, walang forever. Hindi niya napaghandaan ang future niya.

“Masyado siyang nagpadala sa popularity at galing niya sa pagdidribol at pagsu-shoot nu’n, akala niya siguro, e, wala nang paghina ang brusko niyang katawan, kaya pa-easy-easy lang siya nu’n.

“Kaso, ang dami-daming mga players na batambata na, e, ang gagaling pa, kaya ang mga datihang tulad niya, e, kailangan nang palitan. Ayun, nadiskaril na siya nang husto, hindi niya kinaya ang pagkawala niya sa aksiyon, kaya nagpadala siya sa bisyo,” simulang kuwento ng aming source.

Nag-text ang dating sikat na dribolero sa isang dating kasamahan niya, “Pare, hindi pa ako tsumitsibog, hindi naman kita mapunatahan dahil wala akong pamadyak (read: pamasahe), baka puwedeng padalhan mo na lang ako sa ____(pangalan ng isang kilalang money courier)?”

Sabi uli ng aming source, “Imadyinin mo ‘yun? Dumating na siya sa point na halos mamalimos na siya sa mga kaibigan niya? Nakakaawa siya na nakakainis, kasi, hindi siya natuto sa buhay!”

Ubos!

AiAi parang makina kung magtrabaho

Parang makina kung magtrabaho si AiAi delas Alas. Pagdating niya mula sa Korea ay nag-taping lang siya para sa sitcom nila ni Bossing Vic Sotto, kinabukasan ay lumipad naman siya papuntang Almaty, Kazakhstan, para dumalo sa EurAsia Film Festival.

May laban ang pelikula niyang Area, ‘yun ang makabuluhang kuwento ng isang ina na kahit matanda na ay nagbenta ng kanyang katawan para iligtas sa gutom ang kanyang pamilya, tuwing matatapos sa kanyang eksena ang Philippine Comedy Queen ay nagpapalakpakan sa set ang mga nandu’n.

Ngayon ay maligayang-maligaya si AiAi dahil naranasan niyang mayakap at batiin ng mga taong hindi niya kilala, iba-ibang lahi ang bumabati sa kanya, ayon sa mga ito ay mas mamahalin pa nila ang kanilang ina dahil sa mahusay na pagganap ni AiAi sa Area.

Manalo at matalo ay nakahanda na ang kalooban ng komedyana, ang mahalaga para sa kanya ay naranasan din niya sa wakas kung paano mapabilang sa isang international film festival, langit para sa kanya ang ganu’ng pakiramdam.

Mahal na mahal ni AiAi ang kanyang trabaho, palaging prayoridad para sa kanya sumunod sa kanyang pamilya ang propesyong nagbigay sa kanya ng magandang buhay, kaya naman mas minamahal siya ng kanyang trabaho.

“Napaka-blessed ko, bagsak-bangon ako, pero ang ending, mahal na mahal pa rin ako ni Lord. Binibigyan Niya ako ng pagkakataong makabangon uli, pick-up the pieces, ano pa ba naman ang mahihiling ko?” komento ni AiAi.

Dagdag na katangian ng komedyana ang pagiging matulungin sa mga nagdarahop, ang agarang pagbibigay ng kanyang serbisyo basta simbahan na ang nangangailangan ng suporta, ang mga taong hindi umaasa ng anumang kapalit ay ginagantimpalaan ng kapalaran.

Ilang taon na ang nakararaan ay napakadilim ng kanyang paligid, may mga pintuang nagsarado para sa kanya, pero ang pumalit naman ay ang pagbubukas hindi lang ng mga bintana ng oportunidad kundi bubong.

Binabasa talaga ng Diyos ang tao hindi sa kanyang mga sinasabi kundi sa kung ano ang sinserong laman ng kanyang puso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with